^

PSN Opinyon

Patunay: palengke sa Wuhan ang sanhi ng SARS-CoV-2

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

DALAWA pa ang patunay na sa palengke sa Wuhan nag­mula ang coronavirus ng COVID-19. Magagamit ito kasama ng mga naunang pruweba para singilin ang China ng danyos sa milyong namatay, nagka-permanenteng sakit at nasirang hanapbuhay. Wasak na ang propaganda ng Chinese Communist Party na dayuhan ang nagdala ng pandemya sa Wuhan. Inulat ng Economist magazine ang dalawang patunay.

Una ang kina Michael Worobey ng University of Arizona at Kristian Andersen ng Scripps Research sa San Diego. Sa pagsuri nila kung saan-saan naulat ang mga unang impeksiyon, nabatid na ang karamihan ay sa Huanan Seafood Wholesale Market. Maski ang mga sumunod na dagsa ng impeksiyon ay sa paligid ng palengke. Sinuri rin ang mga retrato at salaysay ng outbreak na na-post sa Weibo Chinese social media website. Lantad na hindi lang isda kundi pati paniki, pangolin, fox, porcupine at squirrel ang binebenta ru’n bago ang Nob. 2019.

Sinuri ang 600 virus samples na inipon ng Chinese Center for Disease Control bago nito sinara ang palengke. Nakita na lahat ito ay mula sa mga tinda ng buhay na wild animals.

Ikalawang patunay ang kay Jonathan Pekar ng University of California-San Diego. Inaral ang dalawang uri ng sumibol na virus sa Wuhan, lineage-A at -B. Katulad ng lineage-A ang mga virus sa paniki, kaya malamang ito ang nauna. Karamihan ng impeksyon ay lineage-B.

Kalimitan, tulad ng SARS nu’ng 2002 at MERS ng 2012, mahigit isang uri ng virus ang lumulundag sa tao mula hayop. Mismong Chinese CDC ang nag-ulat na ang lineage A ang unang natagpuang uri sa palengke, sa tinapon na guwantes nung Nob. 2019. Mahigit 800 na lineage-B impeksiyon ang sunod na lumitaw sa palengke.

Atraso ng China sa mundo na hindi sinara ang live wild animal markets matapos ang 2002 SARS. Nilihim pa ang SARS-CoV-2 outbreak sa Wuhan. Ikinulong ang doktor na unang nakapansin ng pandemya.

vuukle comment

COVID-19

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with