^

PSN Opinyon

Agrikultura ng Benguet sinasalanta ng smuggling

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

Patuloy na umaaray ang mga magsasaka sa Benguet dahil sa ilegal na importasyon ng gulay. Naging inutil na ang Department of Agriculture at nagmistulang “tagalako” ng importasyon.

Ayon kay Benguet board member Robert Namoro na nagsisilbing vice-chairman ng committee on agriculture ng Sangguniang Panlalawigan, nasa gitna ng digmaan ang Benguet na tinaguriang vegetable salad bowl dahil sa smuggling. Nananawagan siyang isalba ang Benguet sa ilegal na importasyon.

Hindi lamang ang vegetable industry ng Benguet ang sinasalanta ng smuggling, kundi pinapatay ang sektor ng agrikultura sa bansa.

Mayroon nga bang inter-agency conspiracy na nagpapapasok ng illegal imported products sa bansa na pumapatay sa agrikultura?

Ano ang saysay ng Republic Act No. 10845 na nagsasabing economic sabotage ang smuggling?  May naparusahan na ba?

Sa bawat kahon ng smuggled na gulay, isang kahon ng gulay din ang nabubulok sa mga lokal na magsasaka na baon sa utang.

Hamon sa mga maluluklok sa May 2022 elections na lunasan ang smuggling sa bansa. Ang nararapat iluklok ay mga taong nagtataguyod ng kapakanan ng mga maliliit na magsasaka. Dapat iboto ang may malasakit sa mga abang nagbubungkal ng lupa!

* * *

Para sa suhestiyon: [email protected]

vuukle comment

BENGUET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with