^

PSN Opinyon

EDITORYAL- Bantayan ang mga anak

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL-  Bantayan ang mga anak

Dumarami ang kaso ng COVID-19 sa bansa. Sa pinakahuling report, umabot na sa 33 ang kaso ng sakit. Mula sa 10 na ini-report noong Lunes, bigla itong umakyat at sabi ng Department of Health (DOH) mahigpit ang ginagawa nilang pagmonitor sa mga nakahalubilo ng mga napaulat na nagpositibo sa COVID-19. Marami naman ang nagtataka kung bakit bigla ang pagtaas at ang Metro Manila ang napuruhan. Ayon sa DOH, maraming naitala sa National Capital Region (NCR) dahil narito ang port of entry.

Isang magandang hakbang naman ang gina­wang pagsuspende sa lahat ng antas ng klase sa Metro Manila. Mula Marso 10 hanggang 15 ay walang pasok. Si President Duterte mismo ang nag-anunsiyo ng suspension. Ito ay para mapigil ang pagkalat ng virus. Positibo naman ang Presidente na kusa ring mawawala ang COVID-19 na inihalintulad niya sa bubonic plague noong unang panahon na nawala rin at sukat.

Ayon sa Presidente pagnatapos ang suspension ng klase at patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso ng COVID-19, muli raw silang magpupulong para pag-aralan ang mga susunod na hakbang. Ang mahalaga aniya ngayon ay nasa bahay ang mga bata para mailayo sa kumakalat na virus.

Nararapat namang bantayan ng mga magulang ang kanilang mga anak at baka sa halip na tumigil sa bahay ang mga ito ay magtungo sa mall o sa mga matataong lugar kasama ng mga kaklase o kaibigan. Lubhang mapanganib ngayon kaya nararapat gabayan ang mga anak.

Ginagawa ng pamahalaan ang mga kaukulang pag-iingat kaya nararapat namang gawin ng mga magulang ang papel para maingatan ang mga bata. Hindi na biro ang pagkalat ng COVID-19 na buong mundo na ang apektado.

vuukle comment

DOH

NATIONAL CAPITAL REGION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with