‘Edukasyon at pagkatao’
BITAG - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - June 17, 2019 - 12:00am

SIMULA ngayon, bibigyan ko ng espasyo sa kolum kong ito ang mga seryosong katanungan ng aking mga tagasu­baybay.

Sa aking mga sumusunod na social media platform: BITAG Live, BITAG Multimedia Network at Ben Tulfo Unfiltered Facebook pages; @bentulfo_official INSTAGRAM at @bitagbentulfo TWITTER.

Layunin kong makapagbigay-gabay, matugunan ang mga katanungan ng mga taga-hanga, taga-suporta at mga tumatangkilik, pati na rin ang mga tumutuligsa. Kasama  na rito ang traditional media na  radyo, telebisyon at dyaryo sa aking mga programa at sa kolum kong ito.

Father’s Day, habang sinusulat ko ang kolum na ito, nakatawag ng aking pansin ang katanungan ng isang Grade 12 student sa aking INSTAGRAM @bentulfo_official. Narito ang kabuuan ng kanyang ipinost na tanong:

“Idol Sir Ben? Tanong ko lang po sa inyo, ano po yung course niyo Idol noong College po kayo? Grade 12 Senior High School pa po ako idol, next year pa po ako magcollege. Para pagdating ko idol ng College hindi na po ako mahirapan sa pagpili ng kursong kukunin ko sa kolehiyo…”

Sagot ko: “Ang kurso sa kolehiyo ay kurso lamang na magagamit mo sa iyong larangan na kinabibilangan o papasukan. Ang KARAKTER ng iyong pagkatao at disiplina na turo ng iyong magulang na aayon sa utos ng DIYOS o sa BIBLIA ay mas mahalaga sa edukasyon. Kaalaman lang ang Edukasyon! Karakter ng isang mabuting tao ay laging nakaangkla sa KATOTOHANAN. Marunong makinig, umunawa at maawa. Higit sa lahat, matulungin na siyang gusto ng Poong Maykapal ang mas mahalaga sa mundong ito. Tumingala ka sa Diyos, ‘di ka mapapahamak iho. Mag-aral ka ng seryoso sa kurso na napili mo.”

Para sa kaalaman ng lahat, ako ay tapos ng kursong Bachelor of Science in Journalism. Pinagpatuloy ko ang pag-aaral sa labas ng bansa na may kinalaman sa komunikasyon at pamamahala. Marami ang napaniwala na kaming Tulfo Brothers ay mga brusko at bastos daw. Ako raw ang pinaka-bastos at ang itim na tupa sa pamilya.

Sabi sa isang programa sa TV5, “Tulfo Brand of Journalism”, dapat daw bang baguhin dahil sa mga kasalukuyang kontrobersiya ng apelyido namin na itinanong kay Tol Raffy. Tama si Raffy, isang milyong milya ang layo niya sa amin, iba siya. Isang milyong milya rin ang layo ko sa kanila.

Ako at si Erwin ang malapit sa bawat isa. Si Ramon ang matuturing kong isang maruming langis na hindi puwedeng ihalo sa tubig (Raffy, Erwin at ako)

Sana magbigay linaw ang kolum na ito. Isa akong ama, hindi perpekto at maraming pagkukulang. Isa akong ehekutibo, CEO ng BITAG Multimedia Network, journalist at tinatawag na bastos na, mayabang pa. Sa kabila ng lahat ng mga maling persepsiyon, patuloy kong gagampanan ang aking tungkulin na ipagtanggol ang mga walang boses, ulila, balo at walang kalaban-laban.

Buong katapatan, katotohanan at walang halong kaplastikan!

BEN TULFO BITAG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with