Magpakumbaba
ISANG bagay ang dapat nating isapuso sa lahat ng panahon at ito ay ang pagpapakumbaba anuman ang mangyari.
Hindi naman sa lahat ng panahon e nasa kinalalagyan ka kung sakali mang mayaman o makapangyarihan ka ngayon.
Kaya maging conscious sana tayo sa ating pananalita lalo na sa pagpuna ng mga kamalian ng iba dahil tayo ay may sarili ring mga kamalian at pagkukulang man.
Nitong mga huling araw, ako ay naging testigo sa mga salitang naglipana gaya ng “Buang ka, punyeta ka, kolokoy ka, ingudngod ko ‘yang mukha mo sa inidoro, demonyo ka, dapat ibala ka sa kanyon dun sa Abu Sayyaf, inutil ka.”
At sa gitna ng lahat ng kaguluhang dulot ng mga salitang ito na binigkas ng isang broadcaster, nakikita naman na tila hindi niya kilala ang salitang “pagpapakumbaba”.
Sana matuto ang broadcaster na ito ng “pagpapakumbaba” dahil nga hindi siya Diyos at lalong hindi niya hawak ang kanyang buhay.
Pagpapakumbaba ang susi.
- Latest