^

PSN Opinyon

Muntik na

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

DALAWANG beses na akong muntik abutan ng pagsabog ng bomba rito sa amin sa Davao City.

Ang una ay noong December 28, 1993, kung saan dala-dala ko ang aking dalawang anak para sa Sunday mass ng hapong ‘yon. At dahil puno na nga ang loob ng San Pedro Cathedral, doon kami nakatayo sa may berde na Volkswagen sa labas ng simbahan. At ewan ko rin kung ano ang pumasok sa utak ko at bigla ko na lang sinabihan ang mga anak ko na lisanin na namin ang simbahan kahit na hindi pa tapos ang misa.

Hindi ko maipaliwanag kung paanong bigla ko na lang sinabihan ang dalawa kong anak na pumunta na kaming JS Gaisano at kakain kami sa isang restaurant doon.

Umalis nga kami at ilang minuto lang, pumutok ang bom­ba sa loob at sa labas ng simbahan sa rati naming kina­tayuan sa may berdeng Volks. Pito ang namatay at 151 ang nasugatan sa pambobombang iyon.

Ang pangalawang pangyayari ay noong Setyembre 2016 kung saan binomba ang Roxas Night Market. Nagmamadali akong umuwi noon dahil kailangan kong mag-empake para sa maaga kong flight for Brunei Darussalam para sa coverage ko sa state visit ni President Duterte roon.

Ilang minuto lang pagkatapos kong umalis sa Roxas Night Market, sumabog ang bomba na ikinamatay ng ilang tao at ikinasugat nang marami.

Malaki nga ang pasasalamat ko sa Poong Maykapal at nakaligtas kami ng mga anak ko ngunit hindi maiwasang masyado rin akong nasasaktan sa mga pangyayari — sa lahat ng pambobomba na nangyayari sa ating bansa at maging saan man sa mundo.

Nagtatanong nga ako kung ano ba ang nasa puso ng mga taong kayang pumatay nang ganun-ganun lang.

Dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan.

vuukle comment

EDITH R. REGALADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with