^

PSN Opinyon

Pulbusin ang mga traydor sa bayan

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

HINDI na ako nagulat sa ginawa ng mga teroristang CPP-NPA nitong mga nakaraang araw. Di dapat maging kampante ang ating mga sundalo dahil taliwas ang sinasabi nila at sa ginagawa. Matapos nilang sabihing cease­fire muna saka sila sumugod sa kampo ng mga sundalo at binihag ang dalawang sundalo at 12 miyembro ng CAFGU. Nabulaga ang mga sundalo dahil habang nasa kasarapan sila ng pagtulog saka sumalakay ang mga terorista. Dapat sana’y meron man lang gising na dalawa o tatlong sundalo upang maiwasan ang ganyang pangyayari.

Mahirap talagang panghawakan ang salita ng mga salot sa lipunan. Kung maalala n’yo ilang beses nang nagsagawa ng peace talk ang gobyerno at mga lider ng teroristang NPA na ginaganap sa ibang bansa pero wala pa ring magandang resulta. Sang-ayon ako sa sinabi ni President Digong na isinara na niya ang pintuan sa peace talk. Sana totoo na ito at huwag nang magbago ang kanyang isip. Nasa likod lang ako ng Presidente sa ganitong usapin. Paulit-ulit ko nang sinasabi hinding-hindi magtatagumpay ang peace talk na yan habang nabubuhay si Jose Maria Sison na kanilang founding chairman.

Kung tutuusin naging mabait pa nga si Digong dahil pinagbigyan pa nang mahabang palugit upang magbalik-loob ang mga terorista sa gobyerno. Bibigyan pa sila ng matitirhan, trabaho at edukasyon. Pero anong ginawa nila? Merong mangilan-ngilang sumuko at ang iba ay nag­matigas talaga.

Perwisyo ang hatid ng mga teroristang NPA kaya tama lamang ang sinabi ni Digong na dadanak ang dugo laban sa kanila. Para sa akin, malalakas ang kanilang loob dahil may mga tao sa gobyerno na maka-kaliwa. At laganap ang pang-aakit nila sa mga estudyante na sumapi sa kanila.

Maligayang Pasko sa lahat!

vuukle comment

CPP-NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with