^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Pilipinas, mahirap na bansa para sa mga mamamahayag

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL � Pilipinas, mahirap na bansa para sa mga mamamahayag

NANANATILI pa ring mahirap o mabigat na bansa para sa mga mamamahayag ang Pilipinas, batay sa inilabas na taunang press freedom index ng media watchdog Reporters Without Borders kasabay sa pagdiriwang ng World Press Freedom Day noong Sabado. Ang World Press Freedom Day ay ginunita tuwing Mayo 4 bawat taon. Layunin ng press freedom index na ikumpara ang level of freedom na natatamasa ng mga journalists at media workers sa 180 bansa sa buong mundo. 

Ngayong 2024, pumasok sa ika-134 ang Pilipinas sa pagsusuring ginawa ng organisasyon. Mas mababa ang ranking ng Pilipinas ngayong 2024, kumpara sa ranking noong 2023 na nasa 132 na puwesto.

Ginawa ang ranking sa pamamagitan ng mga indicator na kinabibilangan ng impluwensiya ng pulitika, ekonomiya, at seguridad para sa mga journalists.

Ngayong taon, nakakuha ang Pilipinas ng 43.36 na global score sa nasabing index. Ito ang pinagbatayan para mapabilang ang Pilipinas sa “mabigat o mahirap na bansa para sa mga mamamahayag”.

Ayon sa report, mas kakaunti ang pag-atake sa mga miyembro ng media mula nang maupo si President Ferdinand Marcos Jr. noong 2022 kumpara sa administrasyon ni dating President Rodrigo Duterte. Ganunman, ikinababahala pa rin sa administrasyon ni Marcos Jr. ang “red-tagging” kung saan may mga miyembro ng media ang inaakusahang kasapi ng komunistang grupo. Ilang mamamahayag ang nagsampa ng demanda sa ilang personalidad dahil sa akusasyong miyembro ng mga makakaliwang grupo.

Sa administrasyon ni Marcos Jr., apat na mamamahayag na ang pinapatay at hindi pa nalulutas hanggang ngayon. Uhaw pa sa hustisya ang mga kaanak ng biktima.

Unang pinaslang ang radio broadcaster na si Rey Blanco ng Mabinay, Negros Oriental noong Set. 18, 2022. Pinagsasaksak siya habang patungo sa radio station. Ang ikalawa ay ang veteran broadcaster na si Percy Lapid na binaril at napatay noong Okt. 3, 2022 sa BF Resort Village sa Talon Dos, Las Piñas. Ang ikatlo ay ang broadcaster/commentator na si Cresenciano Bunduquin ng Bgy. Sta. Isabel, Calapan City, Oriental Mindoro na pinagbabaril sa harap ng kanyang sari-sari store noong Mayo 31, 2023. Ikaapat si Juan Jumalon, isang broadcaster sa Calamba, Misamis Occidental na binaril noong Nob. 5, 2023 habang nagla-live broadcast.

Sinabi ng Malacañang noong Hulyo 2022 na maglalatag ng mga bagong programa ang pamahalaan para maproteksiyunan ang mga mamamahayag. Sana, matupad ang pangakomg ito. Umaasa ang mamamahayag na hindi na magiging delikado at mabigat na bansa ang Pilipinas para sa kanila.

vuukle comment

WORLD PRESS FREEDOM DAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with