^

PSN Opinyon

Makilahok na!

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

SA rami ng mabibigat na nais maglingkod sa Senado, piha­dong mahihirapan tayong makapamili ng buong tiket ng 12. May mabigat ang kuwalipikasyon at ang iba naman ay mabigat lang ang ambisyon. Hindi lahat ay sinasabayan ng mabigat na amunisyon para sa isa ring bigating kampanya.

Ano man ang kahinatnan ng kanilang pagbabaka-sakali, sila’y nanalo na rin. Ang mangarap na makapaglingkod sa kapwa, kapag napangatawanan ng kaukulang pakikilahok, ay pagkakataong iilan lang ang may determinasyong gawin. Marami ang higit na matalino, matapang, magaling, at ma­tapat kaysa sa mga deklarado. Subalit hindi taal sa kanilang kalooban ang sumabak sa paglingkod bayan. O di kaya ay hangad din nilang manilbihan pero hindi naman ito tinapatan ng lakas ng loob para makipagsapalaran.

Ngayon pa lang ay masasabi na natin na kakaiba ang mga sumabak sa 2019 Senatorial elections. Mula sa pinaka­kwalipikado na siya ring pinakamatanda, sa mga kulang sa karanasan subalit punong-puno ng potensyal, ang batch na ito ay hindi magpapahuli. Sa pangkat na lamang ng nasa oposisyon, sa pangunguna ng 8 sa tiket ng Partido Liberal, makikita agad ang kalidad. Ang gagaling. Ito namang Hugpong ng Pagbabago ni Mayor Sara Duterte, ni hindi malimitahan sa 12 ang sinusuportahan sa rami ng may K sa kanilang pananaw. At nariyan din ang mga independiyente, katulad na nga ni Super Senior Senate President Juan Ponce Enrile o kaya’y ang kapitbahay kong kolumnistang si Doc Willie Ong na inampon ng LAKAS party.

Ang 2019 elections ay parang midterm exams ng Duterte administration. Kasali rin tiyak sa konsiderasyon ng botante ang pagtimbang sa performance o kawalan nito ng kasalukuyang naninilbihan. Ngayong nababalot tayo sa pag-alala dala ng mga isyu ng pagtaas ng presyo ng bilihin, ang kalagayan ng ating seguridad, ang ating imahe sa international community, mahalagang pangatawanan natin ang ating obligasyong makapamili ng mga nararapat na humawak ng katungkulan. Tayo rin kasi ang maaapektuhan sa huli, kesyo maganda o hindi ang kalabasan. Wala tayong sisisihin o pasasalamatan kung hindi ang ating sarili.

vuukle comment

2019 SENATORIAL ELECTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with