^

PSN Opinyon

Meron ngang droga sa magnetic lifters

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

MERONG kahina-hinalang laman ang magnetic lifters na kinumpiska ng anti-narcotics agents sa bodega sa Cavite nu’ng Agosto. At malamang ito ay shabu, na isinuksok sa butas sa loob ng bakal na lifters, na panghakot ng scrap metals. Ito ang natuklasan ng Senate Blue-Ribbon committee mula sa testimonya ni Customs Deputy Collector Lourdes V. Mangaoang nu’ng nakaraang linggo. Imbitado ni Sen. Richard Gordon, tumestigo si Atty. Mangaoang bilang dating hepe ng Customs x-ray inspection project at eksperto sa gan’ung pag-inspek­siyon ng kargamento sa sea at airports.

“Hindi nagsisinungaling ang x-ray,” pahiwatig ni Ma­n­ga­oang sa inspection images ng apat na magnetic lifters sa Manila port nu’ng Hulyo. Madilim ang bahagi ng lifters na dapat ay hollow o walang laman. Ibig sabihin nito ay may isiniksik na kung ano’ng bagay sa loob.

Standard operating procedure sa gan’ung sitwasyon na i-physical inspection ang suspetsosong kargamento -- walang pinagkaiba sa pagbukas sa bagahe ng pasahero sa airport. Pero hindi ito ginawa ng x-ray team. Resulta: nakalusot ang nakatagong kontrabando -- droga. ‘Yon ang konklusyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), na natunton ang apat na magnetic lifters­ sa Cavite. Dalawang araw bago nun, sa tip ng PDEA, natiklo ng Customs ang dalawang lifters na may laman na 355 kilos ng shabu. Doble nu’n, 700 kilos, malamang ang lulan ng apat pa.

One-and-a-half inches ang kapal ng bakal na metal lifters­, at three inches ang steel na cargo container. Eleven inches ang penetration ng x-ray, kaya malinaw ang images, pali­wanag ni Mangaoang.

Una nang iginiit ni PDEA director general Aaron Aquino na “hindi nagsisinungaling ang aso.” Nang ipaamoy ang lifters sa sniffer dog, naupo ito, indikasyon na may amoy ng droga. Trained ang aso na gawin ‘yon. Walang rason ang aso na hindi gawin ang sinanay niyang gawin kapag nakakalanghap ng miski konting higing lang ng droga. Itinatanggi ni Customs chief Isidro Lapeña na may lamang droga ang apat na lifters.

vuukle comment

MAGNETIC LIFTERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with