^

PSN Opinyon

‘Anay’ sa PNP

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

WALANG kadala-dala ang ilan nating kababayan sa pagbebenta ng droga. Halos araw-araw ay may napapatay sa enkuwentro pero ayaw pa ring tumigil. Mistulang sardinas na ang mga selda sa walang humpay na kampanya kontra pasaway na tambay kung kaya ang ilan sa mga ito ay sinamang palad na mamatay dahil sa masamang kondisyon sa loob. Maraming bilanggo ang may sakit sa balat, high blood pressure, sakit sa baga at puso subalit tuloy-tuloy pa rin sa pagsinghot, pagbebenta ng droga at pagiging tambay. May ilang pulis naman ang nasisibak sa serbisyo dahil piniperahan ang mga nahuhuling drug suspect. Sila ang mga “anay” sa Philippine National Police na nais walisin ni PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde at National Capital Region Police Office director C/Supt. Guillermo Eleazar.

Kung kailan malaki na ang kanilang suweldo, nagagawa pa nila ang panghaharibas sa mga drug suspect. Ayaw nilang magtrabaho ng parehas. Mas hinahangaan ko ang mga pulis sa Region 1 kumpara sa mga pulis sa Metro Manila. Noong June 17 nang magawi ako ng La Union, halos lahat ng sulok ay may pulis na makikita, mula sa pagsasaayos ng trapiko, barangay at mga establisimento ay makikita ang mga pulis na nagpapatrulya at nakikipag-ugnayan sa mamamayan.

Ayon kay Region 1 director C/Supt. Romulo Sapitula bu­maba ang krimen sa kanyang nasasakupan matapos magpakita ng kasipagan ang kanyang mga pulis matapos na makatanggap ng mataas na suweldo. Ito rin ang naging tugon sa akin nina Pangasinan PPO chief S/Supt. Ronald Lee, La Union PPO chief S/Supt. Ricardo Layug at San Fernado, La Union Police chief  John Guiagui. Bukod kasi sa mataas na suweldo, ang mga pulis ng Region 1 ay  nabibigyan pa ng suporta ng local government executive katulad ng patrol cars at pagpapasaayos ng mga presinto at police community precincts dahil sa kasipagan sa ser- bisyo. Di tulad dito sa MM na may mga pulis na piniperahan ang mga nahuhuling drug suspect.

Tulad sa Muntinlupa City na mismong si Gen. Eleazar ang tumrabaho kina SPO1 Psyo Joe Jimenez, PO3 Romeo Par, PO2 Farvy dela Cruz at PO1 Jonjon Averson ng anti-narcotics operatives. Hinuli nila ang mag-ina at makakalaya umano kapag nagbigay ng P400,000 na bumaba sa P80,000. Nang mapasakamay ang pera, pinangunahan ni Eleazar ang paggiba sa pintuan ng anti-narcotics unit at nasukol ang apat na pulis. Nasibak din sa serbisyo sina Insp. Mark Kevin Pesigan, SPO1 Edgardo Zervoulakos, PO3 Charlie Miranda at PO3 Rhoderick Salvador kahit na wala sila roon ng sumalakay si Eleazar. Ganyan din ang nangyari noong ma-entrap ni MPD Dir. Rolando Anduyan ang tatlong pulis ng Ermita Police Station 5  na sina PO1 Radam Manglicmot, Edmar Cayanan at Jeff Pee Calaguas na nang-extort P50,000 sa drug suspect. Nasibak din ang hepe ng PS-5 na si Supt. Emery Abating. Sa mga matitinong pulis, huwag kayong masisilaw sa pera nang maiwasan ang ganitong kahihiyan ng inyong pamilya. 

vuukle comment

GUILLERMO ELEAZAR

OSCAR ALBAYALDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with