_ngayon
^

Depresyon

PILANTIK - Dadong Matinik (Pilipino Star Ngayon) - May 20, 2018 - 12:00am

Ano ba ang lungkot? Ito’y nasa isip

ng sinumang taong malalim mag-isip;

Kapag naisip n’yang siya’y nagigipit

tiyak na ang lungkot sa kanya’y kakapit!

 

May magkasintahang haharap sa altar

habang naglalakad patungong simbahan -

Biglang nagkagulo may nagbabarilan

nabaril ang mutya at biglang pumanaw!

 

Itong kanyang nobyo ay biglang nanlumo

dahil sa nangyari sa mahal ng puso;

Tatlong araw siyang hindi kumikibo

nang siya’y lapitan hininga ay pugto!

 

Nakaupo lamang sa kanyang lamesa

iniisip niya’y malaking problema;

Malaki ang utang ng kanyang pamilya

kukunin na ng banko lupa’t bahay nila!

 

Mga anak niya’y pawang nag-aaral

tiyak mahihinto sa pinapasukan;

Dahil ang problema’y hindi nakayanan

sumakit ang dibdib at biglang namatay!

DADONG MATINIK
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with