^

PSN Opinyon

Panahon ng pagbabago

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

HINDI na balita na isinusulong ang pagbabago sa lide­rato ng Senado. Kahapon ay natuloy na rin nang 15 senador ang lumagda sa resolusyong ideklarang bakante ang lahat ng posisyon sa kamara. Magkakaroon ng pani­bagong botohan ng Senate President, kasama rin ang pinuno ng Mayorya at mga Chairman ng Senate Committees.

 Mula noong 2016, meron nang unawaan ang ating mga Senador na alinman kina Senator Koko Pimentel at Tito Sotto ang manunungkulang Pangulo ng Senado. Sa usapan ay si Senador Koko ang mauuna. Ang pagbigay ng priority ay pagkilala na rin sa kanyang pagiging Pa­ngulo ng partido ng Presidente, ang PDP-LABAN.

 Ngayon ay pagkakataon na ni Senador Tito, ang mis­mong tinukoy sa resolusyon na siyang papalit bilang Senate President. Kung si Senador Koko ay naging No. 1 sa Bar Exams, si Senador Tito naman ay naging No. 1 na rin – sa Senado, noong una itong tumakbo sa 1992. Mahigit 3 million yata ang naging lamang niya sa sumunod na kandidato.

 Ang paghirang kay Senador Tito ay pagkilala hindi lamang sa kalidad ng serbisyong binigay nito sa institusyon, kung hindi sa tagal na ng kanyang inilaang karera bilang lingkod bayan. Sa lahat ng 24 (kasama si Sec. Alan Peter Cayetano), si Senador Sotto ang pinaka-Senior. Ta­nging siya lamang ang noong 1992 pa naunang pumasok sa Senado. Ilang adminsitrasyon na rin ang pinagdaanan nito – mula Pangulong Cory hanggang kay Digong. Anim na administrasyon. Ang kanyang pag-angat ay pag­saludo at pagkilala rin sa principle of seniority.

 Ang partisipasyon ng mga miyembro ng kamara sa pagpalit ng kanilang liderato ay hindi kontrobersyal. Kini­kilala ito mismo ng Saligang Batas kung kaya walang nadidismaya kapag ito’y nangyayari. Sa disenyo ng Senado, sadyang pinauubaya sa nakararami ang pagpili ng kung sino ang bibigyang karapatang mamuno sa kanila. Ano mang oras ay maari silang mapalitan. Hindi ito tulad ng Pangulo o ng Chief Justice na inihalal o inappoint upang maglingkod sa loob ng takdang termino.

vuukle comment

SENATE COMMITTEES

SENATE PRESIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with