^

PSN Opinyon

La Viña ‘naintriga’ lang daw

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

SUMAGOT sa atin ang kampo ni Gabriel “Pompee” La Viña tungkol sa payo ko na huwag na lang maghangad ng ibang puwesto sa pamahalaan matapos sibakin ni Presidente Duterte dahil sa umanoy ilang katiwaliang kinasangkutan bilang komisyunado ng Social Security System.

Sa totoo daw, talagang masyadong malapit si La Viña sa Pangulo dahil sa nagawa nito nung nakaraang eleksyong pampanguluhan para manalo si Duterte. At talagang mabuting tao raw itong si La Viña. Hindi naman daw naniniwala si Duterte sa mga alegasyong mayroong pinapaborang investors si La Viña para mamahala sa pondo­ ng SSS, kundi nakainitan siya ng sindikato sa loob ng paseguruhan. Kaya inintriga siya kay Finance Secre­tary Carlos “Sonny” Dominguez na siyang nagrekomenda sa Pangulo na sipain si La Viña.

Ang totoong dahilan daw ay dahil sa determinadong pagbuwag ni La Viña sa “sindikato” sa loob ng SSS na pinagmumulan ng mga anomaly.

Naisip ko, nauna nang sinabi ng Pangulo na kahit konting “amoy” lang ng iregularidad ay sisibakin na niya ang isang opisyal, gaano man kalapit sa kanya. Marahil ay ayaw masira ng Pangulo sa kanyang salita.

Inilalathala ko ang panig ni La Viña dahil para ma­ging patas sa pagtrato sa ano mang usapin. Ayon sa kumontak sa akin na ayaw nang magpabunyag ng pangalan, sina­bihan daw ng Pangulo si La Viña na “hindi ako nani­ni­wala sa mga sumbong sa iyo.”

Sa tingin ko ay hindi makabubuti na agad umaaksyon ang Pangulo base lamang sa sumbong o “amoy” ng katiwalian. Dapat ay magkaroon man lang ng imbestigasyon na pagbabatayan ng ano mang aksyong dapat gawin.

Ngunit naninindigan ako. Kung ang isang opis­yal ay sadyang sinibak dahil sa anomaly, huwag na lang maghangad ng ibang posisyon. Makasisira ito sa kredibilidad ng Pangulo.

Tulad kahapon, matapos sibakin ng Pangulo bilang commissioner ng Presidential Commission on Urban Poor (PCUP) si Terry Ridon dahil sa sobrang pagbibiyahe sa ibang bansa, itinalaga naman ito sa Housing Urban Development Coordinating Council (HUDCC) bilang secretary general.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with