^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Igiit, full refund sa ibinayad sa Dengvaxia

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL  - Igiit, full refund sa  ibinayad sa Dengvaxia

SABI ng Sanofi Pasteur, ibabalik nila ang P1.4 bilyon nang hindi nagamit na Dengvaxia vaccines. Pero hindi raw nangangahulugan na ang pagbabalik nila ng bayad ay may kaugnayan sa isyu ng kalidad ng Dengvaxia. Sa pagsasauli raw ng nasabing halaga, naniniwala silang bubuti na ang ugnayan nila sa Department of Health (DOH).

Nagpapatawa ba ang Sanofi? Pagkaraan nang malaking kontrobersiya, may lakas pa sila ng loob na sabihing babalik pa ang magandang ugnayan sa pagitan nila at DOH. No way! Hindi na maaaring maibalik ang magandang ugnayan sapagkat mas maraming magulang ngayon ng mga nabakuna­hang bata ang nag-aalala sa kalagayan ng mga ito. Imagine, pagkaraang maibakuna noong 2016 ang Dengvaxia sa may 800,000 na school children ay saka nila inihayag na palulubhain ng bakuna ang dengue kapag naibigay ito sa mga hindi pa nagkaka-dengue. Malinaw na hindi nagkaroon ng malinaw na kunsultasyon ukol sa bakuna. Ang kabuuang halaga ng Dengvaxia ay P2.3 bilyon. Isinagawa ang vaccinaton sa panahon ni Pres. Noynoy Aquino kung saan si dating DOH Sec. Janet Garin ang nasa likod ng programa.

Pumayag na nga ang Sanofi na i-refund ang ha­laga sa mga hindi nagamit na vaccine pero hindi ito sapat. Dapat full refund ang gawin nila. Hindi dapat pumayag ang Department of Health at igiit na dapat ang kabuuang P3.5 bilyon ang isauli. Magkaroon ng paninindigan ang DOH ukol sa isyung ito.

Kapag na-refund ang P3.3 bilyon, ito naman ang gamitin ng DOH para sa hospitalisasyon ng mga batang naturukan ng Dengvaxia. Kamakailan, ilang bata ang napaulat na namatay at iniuugnay ito sa Dengvaxia. May mga magulang na nagsampa ng reklamo at iginigiit nila ang free hospitalization para sa mga anak nila na kakikitaan ng severe dengue. Marami sa mga magulang ang natutuliro sa kasalukuyan.

Mahalagang magkaroon ng komunikasyon ang DOH sa magulang ng mga bata. Kailangan nila ng tamang inpormasyon kung ano ang mga gagawin sakali’t lumubha ang sakit. Kailangang mabigyan ng tamang pagkalinga ang mga batang na-Dengvaxia.

vuukle comment

SANOFI PASTEUR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with