^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Naiwasan sana ang trahedya

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Naiwasan sana  ang trahedya

MALUPIT ang mga bagyong tumama sa bansa ngayong papatapos na ang 2017. Hindi inaasahan ang bangis ng mga Bagyong Urduja at Vinta. Tumama ang Urduja sa Eastern Visayas at nag-iwan nang mahigit 50 patay. Marami ang namatay sa Biliran, Leyte kung saan naguho ang isang bundok at natabunan ang mga bahay sa paanan. Sabi ng mga awtoridad sa Biliran, nagbabala na sila sa mga residente na lumikas sapagkat maaaring maguho ang bundok dahil sa malakas at matagal na pag-ulan sa lugar pero naging kampante ang mga tao. Ayon sa mga tao, wala naman silang nararamdamang kaka­iba sa bundok na nasa kanilang likuran. Hanggang sa mangyari ang trahedya. Ayon sa mga awtoridad, naipon sa slope ng bundok ang tubig-ulan at ito ang dahilan kaya bumigay ang bundok. Putik at mga malalaking bato ang tumabon sa mga bahay at nalibing nang buhay ay may 20 taong naninirahan sa paanan ng bundok.

Pero ang nangyari sa Biliran ay naulit sa Min­danao nang manalasa roon ang Bagyong Vinta. Hindi sa landslides namatay ang mga residente kundi sa grabeng pagbaha. Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) umabot na sa 164 ang namatay dahil sa pagkalunod nang umapaw ang mga ilog sa nabanggit na lugar. Marami pang hinahanap na pinaniniwalaang namatay dahil sa flash flood at landslides. Grabeng napinsala ang mga probinsiya ng Zamboanga del Sur, Zamboanga del Norte, Lanao del Norte, Lanao del Sur at Bukinon.

Bago mag-landfall ang Bagyong Vinta sa Zamboanga del Sur, nagpaalala na ang mga awtoridad na lumikas sa lugar dahil sa inaasahang pagbaha. Pero katulad nang nangyari sa Biliran, hindi rin nakinig ang mga tao. Hanggang sa lumaki nang lumaki ang tubig at umapaw ang mga ilog. Maraming bahay ang tinangay kasama ng mga troso. Hanggang sa kasalukuyan, may mga hinahanap pa ang mga awtoridad.

Naiwasan sana ang trahedya kung sumunod ang mga tao sa babala na lumikas. Marami sana ang nakaligtas kung hindi naging matigas ang ulo. Hindi na sila natuto sa mga nakaraang trahedya. Tao na ang dapat sisihin sa pagkakataong ito. Naiwasan sana ang kamatayan kung sumunod sa utos.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with