^

PSN Opinyon

BBL na nga kaya?

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

ISANG malaking pagkaiba nitong administrasyong Duterte laban sa nakaraang mga administrasyon ay ang pananaw nito sa ga-siglo nang katagal na usapin ng BangsaMoro. Dahil ito ay Mindanawon, malinaw na mas bukas ang isip nito sa ano mang panukala na makakatulong sa pagpanungkit na minimithing kapayapaan. 

Sa kabila nito ay hindi niya tinatalikuran ang kanyang sinumpaang katungkulan sa kalahatang bansa at sa Saligang Batas na panatiliin ang kabuuhan ng Pilipinas. Kinikilala niya ang gulo na patutunguhan sakaling hindi tutukan ang hinaing ng ating mga kababayang Muslim. Subalit hindi nawawala ang kanyang paninindigan na anumang resolusyon ay naaayon dapat sa itinakda ng Konstitusyon.

Nakakailang marinig galing sa bibig mismo ng Pangulo ang pagkwidaw sa posibleng reaksyon ng mga armadong paksyon ng BangsaMoro. Kapag  Malacanang mismo ang umulit ng ganitong pananakot, para na ring sinabi mong nasindak din sila imbes na magalit sa banta na dadaanin sa karahasan ang argumento. Iba na kung tutuusin ang realidad ngayon dahil siguradong sasamantalahin ng ISIS ang kawalan ng istabilidad sa rehiyon.

Subalit napapanatag naman tayo sa pag-amin ng Pa­ngulo na hindi maaring pag-usapan ang anumang solusyon na labag sa Saligang Batas. Dito tayo nakakasiguro na tanging ang makatwirang kasagutan ang hahanapin para sa suliraning ito. 

Nakiusap din ang Pangulo sa Kongreso at sa lahat ng iba pang may malasakit na makipagtulungan upang makahanap tayo ng katanggap tanggap na ending. Sa Kongreso ay inuumpisahan na ang talakayan. Ang na­ma­mayaning sentimyento roon ay tapusin na natin sa wakas basta sa loob ng balangkas ng Saligang Batas. 

Ganitong klaseng liderato sa Malacañang at sa Kongreso ang hinihiling ng panahon at ng pagkakataon tungo sa maayos na kasagutan sa usaping BangsaMoro. Gawing maayos lang ang trabaho at pihadong maging ang Korte Suprema ay hindi magiging balakid sa matagal nang pinakahihintay na kapayapaan sa Mindanao.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with