^

PSN Opinyon

Magandang regalo sa Pasko

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

NAKAKATUWA dahil sa wakas tinupad na ni Pres. Digong Duterte ang pangako niya nung nangangampanya pa lamang na itataas niya ang suweldo ng mga pulis at sundalo. Sang-ayon ako sa ginawang ito ni Digong dahil sa totoo lang sila ang isa sa pinakamahirap ang trabaho. Sila ang sumusuong sa laban. Karamihan sa kanila ay nagbubuwis ng buhay habang ginagampanan ang kanilang tungkulin at ang iba ay nagiging baldado, napuputulan ng kamay at paa habang nakikipaglaban.

Pagmalasakitan natin ang mga tropa ng gobyerno dahil hindi biro ang pinagdaraanan nila bago nila marating ang kanilang posisyon. Dumaraan muna sila sa napakahirap na pagsubok, hindi basta-bastang training ang kanilang pinagdaanan. Kaya kung anuman ang magandang regalong matatanggap nila ngayong Pasko ay nararapat lamang. Saludo ako kay Digong dahil tinapatan niya ang tamang suweldo ang hirap ng mga pulis at sundalo. Kung tutuusin ay napakaliit lamang ng suweldo ng PO1 at Private First Class (PFC). Ngayon ang sumusuweldo ng P14,834 ay ginawang P29,668 kasya na pambuhay sa kanilang pamilya.

Nagpapasalamat ako sa San Miguel Corporation dahil naging bukaspalad sila sa pagtulong sa pamilya ng mga sundalong naging biktima sa giyera sa Marawi City. Sana makatanggap din ng regalo mula sa gobyerno ang pamilya ng mga namatay na sundalo at pulis para naman maging masagana rin ang hapag kainan ngayong Pasko. Marami na rin pribadong kompanya at ating kababayan na nagkaisa at nagsama-samang nagbigay ng regalo tulad ng laruan, damit at iba pang pangunahing pangangailangan.

Sana magtuluy-tuloy na itong suwerteng nakamit ng ating mga alagad ng batas at sundalo. Pag-iigihan nila ang kanilang mga trabaho. Panatilihin na ligtas ang ating bansa sa mga terorista. Naniniwala ako na ito na ang isa sa pinakamagandang regalong natanggap nila sa gobyerno. Sana mapangalagaan nila ang kapayapaan sa ating bansa. Panahon na para iparamdam sa kanila  na pinahahalagahan natin ang kanilang pagsisikap.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with