^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Pabagu-bago ang sinasabi sa peace talk

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Pabagu-bago ang sinasabi sa peace talk

NAKAKALITO na si Pres. Rodrigo Duterte sa mga sinasabi nito ukol sa pakikipag-usap sa Communist Party of the Philippines-National Democratic Front (CPP-NDF). Kamakailan lang sinabi niyang hindi na makikipag-usap kahit kailan sa CPP-NDF. Wala nang peace talks. Nagmura pa siya at nakipagbangayan kay CPP founding chairman Jose Maria Sison. Sinabi niyang may colon cancer si Sison.

Pero noong Martes, nagpahiwatig siya na puwede pa raw ituloy ang peace talks sa mga komunista. Ito ay kasunod nang pagpapalaya ng New People’s Army (NPA) sa dalawang bihag na sundalo. Biglang na­bago ang tono ni Duterte at gusto na namang maki­pagkasundo sa mga komunista.

Hindi dapat ganito ang ikilos ng Presidente. Dapat mayroon siyang isang salita sa pakikipag-usap sa mga komunista. Dapat may paninindigan sa naunang pinahayag. Hindi lang tatlong beses na nagsabi si Duterte na tapos na ang pakikipag-usap sa CPP-NDF.

Una ay noong Pebrero nang sunud-sunod ang pananambang ng NPA sa mga sundalo. Pinabalik ni Duterte sa barracks ang mga sundalo at pinalilinis na ang mga baril para makipagsagupa sa NPA. Pero muling nagkasundo at nag-usap noong Abril. Pero muli na namang nagpakita ng katigasan ng ulo ang NPA at nagsasagawa uli ng mga pagsalakay.

Ikalawa ay nang ambusin ang mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG) sa Arakan, North Cotabato na iki­namatay ng isa at ikinasugat ng limang iba pa. Halos kasabay nang pag-ambush sa PSG, dalawang Marines naman ang pinatay ng NPA sa Palawan. Sina­lakay ng 40 NPA rebels ang police station sa Maasin, Leyte at dinisarmahan ang mga pulis. Kinuha ang walong M-16 rifles at siyam na Glock 9-mm pistols.

Ikatlo ay nang ideklara niya ang martial law sa Min­danao noong Mayo, umapela siya sa NPA na huwag sumalakay sa mga sundalo sapagkat ang mga tero­ristang Maute ang talagang pakay ng mga ito. Pero hindi nakinig ang mga rebeldeng komunista at nagsasagawa pa rin ng pagsalakay sa mga sundalo.

Ilang beses nang sinabi ni Duterte na wala nang pakikipag-usap pero eto na naman at pumapayag na naman siya. Dapat magpakita na may isang sa­lita si Duterte. Hindi na dapat makipag-usap sa mga traidor. Huwag pabagu-bago sa sinasabi.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with