^

PSN Opinyon

Unconfirmed intel fake news pa rin!

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

KUNG hindi kumpirmadao ang intelligence report, aba, huwag isulat ito sa official stationery, para kung mag-leak man ay agad pagdududahan ng taumbayan. Katumbas na rin iyan ng fake news kapag napasakamay ng mga mamamahayag at maging viral sa social media. Puwede namang text-text lang ng hepe ng PNP sa mga pulis para maging alerto.

Nagalit ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa “leak” kaya suspendido habang iniimbistigahan daw ang insidente.

Sabi ng isa kong suspetsosong kumpare: “Galit-ga­litan lang yan!” Dagdag niya, “sadyang gusto ng gobyerno na kumalat ang balita para ihanda ang mamamayan sa isang full-scale, nationwide martial law”. Ayyy padre, ayo­kong isipin iyan. Para sa akin, seryoso si President Digong nang sabihing hindi niya palalawakin sa buong bansa ang batas militar. Pero baka may mga tauhan na malapit sa kanya na gustong udyukan si Duterte na mag-martial law “ala” Marcos dahil makikinabang sila. Yun ang akala nila. Baka sila ang unang sibakin kapag nagkataon.

Terorismo na rin ang pagpapakalat ng ganitong nakaliligalig na balita. Biruin mo, target daw ng Maute na pasa­bugan ang mga malalaking malls at ibang mataong lugar sa Metro Manila. Aba’y matatakot ang mga shoppers at tutumal ang negosyo. They will be gripped by terror!

Pero may sariling babala rin ng Pangulo. Posibleng “gaganti’ ang ISIS sa sandaling matapos na ng military ang krisis sa Marawi City na sinimulan ng Maute group at grupo ni Abu Sayyaf leader Isnilon Hapilon noong Mayo 23.

“Better keep watch” ang warning niya sa lahat, mamamayan man o mga sundalo at pulis.

Okay naman talagang maging mapagmasid ang lahat. Vigilance is wahat we need. Hindi man tayo puwedeng lumaban, puwede tayong magreport sa mga awtoridad kung mga kahina-hinalang nangyayari sa ating paligid.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with