^

PSN Opinyon

Rapist ang mga kapitbahay

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Huling bahagi)

KAHIT pa itinanggi ni Jaboy ang nangyari at ipinipilit na nangunguha siya ng niyog sa kalapit na sitio nang oras na sinasabing ginahasa niya si Caridad, hindi siya pinaniwalaan sa hukuman. Hinatulan siya ng reclusion perpetua sa bawat isang beses ng paggagahasa kay Caridad. Pinagbabayad din siya ng P50,000 bilang danyos sibil (civil indemnity) at P50,000 na danyos perwisyo (moral damages).  Kinatigan ng korte ang salaysay ng isang inosenteng dalaga kahit pa bulag sa halip na maniwala sa alibi ni Jaboy na imposibleng naroroon ito sa lugar ng krimen.

Inapela ni Jaboy ang hatol ng korte pero ang binago lang ay ang pagbilang ng ginawang krimen.  Imbes na three counts ay ginawa pa itong six counts dahil sa na-ging sabwatan daw ng dalawang lalaki. Pananagutan daw ni Jaboy hindi lang ang dami ng beses na pinagsamantalahan niya si Caridad kundi pati ang dami ng beses ng ginawang panggagahasa sa babae dahil sa naging sabwatan nina Jaboy at Bino.

Nang umapela sa Supreme Court ay ganundin ang naging hatol bagaman nabago ng kaunti. Ayon sa hukuman ay kapani-paniwala ang salaysay ni Caridad tungkol sa ginawang pananakot nina Jaboy at Bino na papatayin siya at sa ginawang paghalay sa kanya ng dalawa lalo at pinatunayan din ng doktor ang naging resulta ng pag-eksamin sa kanya. Ayon sa Supreme Court, tinatanggap ang pagkilala sa akusado ng biktima kahit pa base lang ito sa boses.  Lalo at matagal na itong kakilala ng biktima.  Isa pa, ang mga bulag ay may mataas na antas ng pakiramdam. Imposibleng gumawa ng istorya ang isang bulag na babae tungkol sa ginawang panghahalay, hayaan na matingnan ang kanyang maseselang parte ng katawan ng isang doktor at isalang ang kanyang sarili sa tindi ng kahihiyan na dinanas habang nililitis ang kaso sa korte kung hindi naman  pala totoo ang lahat. Ang katunayan ay isa siyang biktima ng krimen ng rape at humihingi lamang ng hustisya sa ginawa sa kanya.

Iyon nga lang, matapos ang mahabang pag-aaral sa rekords ng kaso, dalawang bilang lang ng rape ang hatol kay Jaboy ng Supreme Court. Hindi na raw masyadong madetalye ni Caridad ang tungkol sa sinasabing tatlong beses pa na ginawang paggahasa ng bawat isang lalaki sa kanya matapos ang naunang dalawang insidente ng pagrape nina Bino at Jaboy.   Ang malinaw, kapani-paniwala at detalyadong salaysay daw ni Caridad ay tungkol lang sa dalawang naunang insidente ng rape. At dahil nga sa ginawang sabwatan nina Bino at Jaboy, two counts ng rape ang naging hatol, ang nangyaring rape na mismong ginawa ni Jaboy at ang rape na ginawa ni Bino ay pagdurusahan niya (People vs. Lascano and Delajaban, G.R. No. 192180, March 21, 2012). 

vuukle comment

RAPIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with