^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Bigatan ang parusa sa mga nagmamaneho nang lasing

Pilipino Star Ngayon

PITO ang namatay at apat ang malubhang nasugatan nang araruhin ng isang six-wheel truck ang dalawang motorsiklo at isang traysikel sa Cagayan de Oro noong Linggo ng gabi. Tatlo sa mga biktima ay bata. Pawang nakasakay sa traysikel ang mga namatay. Ayon sa pulisya, lasing ang drayber ng truck nang maganap ang pagbangga. Una munang binangga ang dalawang motorsiklo at saka ang traysikel. Tumalsik pa ang mga pasahero ng traysikel dahil sa lakas ng pagbangga. Nang tatakas ang driver ng truck, kinuyog siya ng mga tao. Sinampahan ng kaso ang driver.

Kamakalawa, isang kotse ang inararo ang mga konkretong barriers sa Baesa, Quirino Highway, Quezon City dakong alas onse ng gabi. Sa lakas ng pagbangga, parang naging accordion ang kotse. Nahirapang ilabas ang driver at kailangan pang gumamit ng makinarya. Nang dumating ang rescuers, nalanghap nilang amoy alak ang lalaki. Isinugod sa ospital ang walang malay na lalaki.

Ngayong nagdadagsaan ang mga pasahero sa bus terminal para umuwi sa kani-kanilang mga probinsiya para gunitain ang Mahal na Araw, nararapat na tiyakin ng mga awtoridad na hindi nakainom ng alak ang mga driver ng bus. Kailangan ang pag­hihigpit sa pagkakataong ito.

May batas para sa mga nagmamaneho nang lasing sa alak o lango sa ilegal na droga. Ito ang Republic Act 10586 (Anti-Drunk and Drugged Driving Act”). Pero walang ngipin ang batas na ito. Sa loob ng dalawang taon makaraang lagdaan noong 2015 ni dating President Noynoy Aquino, wala pang napaparusahan sa malalagim na aksidente.

Sa ilalim ng batas, ang sinumang mahuhuli na nagmamaneho na nasa impluwensiya ng alak at pinagbabawal na droga ay makukulong ng tatlong buwan at pagmumultahin ng P80,000. Bibigat naman ang parusa kapag mayroong napinsala at na­matay. Magmumulta ng P200,000 hanggang P500,000 kapag may napinsala at namatay. Makukulong din nang matagal.

Kulang sa ngipin ang RA 10586. Walang napa­parusahan kaya patuloy ang pagtaas ng mga namamatay at nasusugatan dahil sa drunk driving. Tiyaking ma-implement ang batas at bigatan pa ang parusa sa mga nagmamaneho nang lasing.

vuukle comment

TRUCK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with