^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Air pollution sa MM, grabe na

Pilipino Star Ngayon

Face masks na ang kailangan ng mga taga-Metro Manila dahil sa malubhang air pollution, ito ang sinabi ni Dr. Jorge Sison, pinuno ng Cardiology ng Medical Center Manila sa isang pulong balitaan kamakailan. Kaugnay ito sa inihayag ng World Health Organization (WHO) na 1.7 milyong kabataan sa buong mundo ang namamatay dahil sa air pollution. Tinukoy ni Sison ang EDSA, Taft Avenue, Quezon Avenue at C5 na mga kalsadang grabe ang air pollution sapagkat dito nagdaraan ang karamihan sa mga sasakyan lalo na ang mga jeepney.

Hindi na ligtas tirahan ang Metro Manila kung ang pagbabatayan ang suhestiyon ni Dr. Sison nang kailangan nang mag-face masks ang mamamayan. Para sabihing mag-face masks, masyado nang grabe ang kalagayan ng hangin at kailangang gumawa ng aksiyon ang pamahalaan ukol dito. Unang dapat kumilos ay ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sapagkat sila ang may kargo para mapangalagaan ang kalikasan at kapaligiran. Sila ang may responsibilidad dito.

Noong nakaraang taon, nagkaroon ng ranking sa 230 siyudad sa buong mundo na gustong tirahan o puntahan ng mga dayuhan. Nasa ika-136 na puwesto ang Metro Manila. Isa sa mga dahilan kung bakit malayo ang puwesto ng Metro Manila ay dahil sa grabeng air pollution. Mas gusto ng mga dayuhan na puntahan ang mga lugar na malinis ang hangin. Pinakamarami ang gustong manirahan sa Vienna, Austria at sa Singapore.

Isa sa maaaring gawin ng DENR ay ang pagpapaigting sa anti-smoke belching campaign. Suportahan nila ang pag-phase out sa mga lumang sasakyan na sapagkat ang mga ito ang nagbubuga ng 80 porsiyento ng nakalalasong usok. Ipatupad ang nakasaad sa Clean Air Act of 1999 na bawal ang paggamit ng incinerators at pagsusunog na lumilikha ng usok. Ayon sa Department of Health (DOH) ang grabeng pollution ay nagdudulot nang maraming sakit: Pulmonya, bronchitis, asthma, istrok at atake sa puso.

Linisin ang hangin sa MM para mailigtas ang mamamayan. Kawawa ang mga bata na unang-unang­ apektado ng hanging may lason.

vuukle comment

EDITORYAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with