^

PSN Opinyon

P1 libong umento sa SSS pension ok na

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

HAYYY salamat! Nilagdaan na rin ni Presidente Duterte ang memorandum para maibigay na sa mga SSS pensioners ang karagdagang isanlibong piso sa buwa­nang pension.

Kulang pa nga iyan kung tutuusin dahil ang orihinal na panukala ay P2-libo na ayon kay SSS Chairman Amado Valdez ay maaaring maipagkaloob sa taong 2022. Nakasisiguro ako na pagsapit ng taong iyan, patay na yung ibang pensioners dahil sa katandaan.

Ang magandang balita ay retroactive simula sa Enero ng taong ito ang dagdag-pension kaya ang mga pen­sionado ay may kaunting backpay na matatanggap.

Nauna nang inaprubahan ni Pangulong Duterte ang P1,000 na pension hike sa mga SSS pensioners noong Enero sa harap ng pagsalungat ng kanyang mga economic advisers. Nakapag-isip siguro ang Pangulo na kung ibibigay ang buong P2-libong umento, guguwapo nga siya sa taumbayan pero sa dakong uli ay ang mga members ang magdurusa dahil mauubos ang pondo ng paseguruhan.

Tumutol kasi ang mismong SSS board pati ang mga economic advisers ng Pangulo kaya ang P2-libo ay ibinaba na lang sa P1,000. Ayon kay SSS chairman Amado Valdez, ang panibagong P1,000 increase sa SSS pension ay inaasahan sa 2022 o mas maaga pa dito.

Mahirap paghaluin ang political at social reasons sa pagdedesisyon sa ganitong usapin. Kung puro poli­tical aspect ang ikukonsidera, tiyak matutuwa ang mga pensionado. Ngunit kung ang dagdag-pension ay kukunin sa kontribusyon ng mga active members, tiyak maga­galit ang mga aktibong miyembro. Kaya naniniwala akong good compromise ang pagpapatupad ng P1-libong dagdag-pension muna, kasabay ng paggawa ng mga hakbang para tumaas ang kita ng SSS. Kung sa taong 2022 ipatu­tupad ang karagdagan pang P1 libo, may sapat na panahon ang SSS para lumikha ng mga programang makapagpapataas sa kinikita ng ahensya.

vuukle comment

SSS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with