^

PSN Opinyon

Personal data natin hawak ng kriminal

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

NANG ibunyag natin ang hacking ng Comelec website nu’ng Mar. 2016, minaliit agad nila ito na simpleng vandalism lang daw. Inulat natin ang sabi ng mga eksperto na pinaka-malalang kaso sa buong mundo ang pagnakaw sa personal data ng 55 milyong botante. Pero pinalabas ng Comelec na kesyo mga presinto lang ng bawat botante ang nalantad.

Kinatigan tayo ngayon ng National Privacy Commission. Dahil daw sa kapabayaan ng Comelec, napasa-kamay ng cyber-criminals ang:

l 75,302,683 buong pangalan ng mga botante, petsa at lugar ng kapanganakan, kasarian, estado sibil, tirahan, kapansanan, numero ng voter ID at presinto, at petsa at pook ng pagrehistro;

l 1,376,097 overseas absentee voters, bukod sa naunang mga detalye, ay pati passport number at expiry date, trabaho at tirahan sa abroad, buong pangalan ng asawa at magulang, taas at bigat, identifying marks at biometrics (fingerprints), email addresses, at tax ID number;

l 139,301 botante na nagrehistro online, katulad na detalyes; at

l 896,992 rehistro ng mga baril, mga may-ari, pati serial numbers.

Tiyak nasa kamay na ng cyber-criminals ang mga personal data natin, babala ng NPC. Maari itong gamitin sa ma­lisyosong gawain, agad-agad o sa matagal pang panahon.

Ano itong mga malisyosong gawain? Maari gamitin ang mga impormasyon natin para ilipat at higupin ang mga deposito natin sa bangko. Maaring ma-hack ang mga perso­nal at company emails natin at manakaw ang iba pang personal na impormasyon: credit card numbers, SSS, GSIS, Philhealth, Pag-IBIG numbers, suweldo, at bangko. Ma­aring itanim ang nakaw na personal data, pati fingerprints, sa crime scene para ipahamak tayo o i-set-up sa pangingikil. Isang-libo’t-isang kapahamakan ang posible natin sapitin -- dahil sa kapabayaan ng Comelec.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

COMELEC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with