^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Hindi na talaga magkakasundo

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Hindi na talaga magkakasundo

DAPAT nang tanggapin ang katotohanan na hindi na magkakasundo ang gobyerno at ang rebel­deng komunista. Kahit sa simula ay maganda ang pag-uusap ukol sa kapayapaan, hahantong din sa wala sapagkat lagi nang may pagdududa at mayroong pagdidikta. Kaya walang mangyayari kung ganito ang takbo ng usapan. Nagsasayang lamang ng oras ang dalawang panig sapagkat walang kahahantungan.

Ipinag-utos ni President Rodrigo Duterte ang “all-out war” sa New People’s Army (NPA) makaraang ipatigil ang peace talks sa mga komunistang rebelde. Ang NPA ay armed wing ng Communist Party of the Philippines (CPP). Tinawag ni Duterte na mga tero­rista ang NPA. Ipinag-utos din ng Presidente ang pag-aresto sa mga pinalayang political pri­soners.

Ang pagkansela sa usapang pangkapayapaan ay nag-ugat sa brutal na pagpatay ng NPA tatlong sundalo sa Malaybalay, Bukidnon noong nakaraang linggo. Natagpuan ang bangkay ng tatlong sundalo na tadtad ng tama ng bala ang katawan. Ang tatlong sundalo ay kabilang sa Bayanihan Team Activity squad at kinokolekta lamang ang kanilang living allowance sa Manalog Village nang tambangan ng mga rebelde.

Pagkaraang patayin ang mga sundalo, nagpahayag ang NPA na binabawi na nila ang unilateral ceasefire bilang protesta sa pamahalaan dahil sa hindi umano pagsunod sa ipinangakong palayain ang mga political prisoners. Sinabi naman ni Luis Jalandoni ng CPP na lumabag daw ang AFP sa usapan. Dumami raw ang mga sundalo sa barangay at nagtanggol lamang ang mga NPA.

Bagama’t may umaasa pa rin na matutuloy ang peace talks, ito ay maliit na porsiyento na lamang sapagkat matabang na ang pakikitungo ni Duterte. Sabi ng Presidente, ayaw daw niyang makipagpatayan, pero kung ang mga sundalo niya ang pinapatay, tuloy na ang giyera.

Sa ganitong pahayag ni Duterte, wala na ngang pag-asa na magkakasundo pa. Ituloy na lang ang pakikipaggiyera at hulihin lahat ang mga rebelde. Matagal na rin naman silang nanggugulo at nanu­nunog ng mga bus at walang tigil sa paghingi ng revolutionary tax.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with