^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Illegal na droga, dami pa rin sa barangay

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Illegal na droga, dami pa rin sa barangay

TOTOO ang report na 80 per cent ng barangay sa buong bansa ay drug-infested. Maraming nangyayaring krimen sa barangay na ang ugat ay ang pagkagumon sa illegal na droga. Para matustusan ang bisyo, gagawa na ng masama --- magnanakaw, manghoholdap at mangre-rape at papatayin pa ang biktima. Ang dating tahimik at matiwasay na pamumuhay sa barangay ay nasira dahil sa illegal na droga.

Ang problema sa droga ang dahilan kaya pinagpaliban ni Pres. Rodrigo Duterte ang pagdaraos ng barangay at Sangguniang Kabataan elections. Noong nakaraang linggo, nilagdaan niya ang batas na nagpapaliban sa election na nakatakda sana sa darating na Oktubre 31.

Isa sa mga dahilan kaya ipinagpaliban ang barangay at SK elections ay upang hindi magamit ng mga kandidato ang drug money sa kampanya. Maraming barangay kapitan ang sangkot sa ille­gal drugs. Ayon sa Presidente, 8,000 barangay captains ang nagtutulak ng shabu. Nakaaalarma kung mananalo ang mga barangay chairman na hawak ng drug syndicate.

Ayon pa sa Presidente, kapag daw nagamit ang pera mula sa drug syndicate, tiyak na mahihirapan nang masugpo ang illegal drugs dahil nakaupo na ang chairman na pinondohan. Magagawa na ang anumang gawin sa barangay.

Hindi na nakapagtataka kung bakit hindi mabuwag-buwag ang drug den sa barangay. Sangkot mismo ang chairman o mga kagawad.

Wala silang ginagawa para malipol ang mga tulak ng shabu sapagkat sila man ay sangkot sa pagpapalaganap ng droga sa kanilang nasasakupan. Tama lang na ipagpaliban ang election sa barangay. Mas mabuti nga kung huwag nang magkaroon ng barangay at SK election kahit kailan. Gastos lamang ito at wala rin namang nagagawa ang mga nananalong barangay chairman lalo na ang pagsugpo sa illegal drugs. Hanggang sa kasalukuyan, laganap pa rin ang droga sa barangay kahit may “Oplan Tokhang”.

vuukle comment

DRUG-INFESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with