^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Patuloy ang korapsiyon

Pilipino Star Ngayon

DISMAYADO si Pres. Rodrigo Duterte sapagkat patuloy pa rin ang korapsiyon sa mga ahen­siya ng pamahalaan. Ayon sa presidente, sa kabila ng kanyang babala noong Hunyo 30 laban sa mga corrupt na opisyal at empleado sa mga tanggapan, hindi pa rin sila tumitigil. Patuloy pa rin ang katiwalian.

Sa dalawang oras na press conference niya noong Linggo na inabot ng alas tres ng madaling­ araw, may inis na sinabi ni Duterte na marami siyang natatanggap na impormasyon na laganap pa rin ang korapsiyon sa maraming ahensiya ng pamahalaan.

Binanggit ng Presidente ang Land Transportation, Franchising ang Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO) na maraming nangyayaring katiwalian. Ayon sa kanya, sa pagbisita niya sa mga probinsiya, marami siyang natatanggap na reklamo ukol sa mga nangyayaring katiwalian. Muli, inulit ng Presidente ang pangako sa sambayanan na lilinisin niya sa mga corrupt ang mga tanggapan ng gobyerno.

Sa press conference, tahasang ipinahayag ni Duterte na sibak na ang mga presidential appointees ng nakaraang administrasyon. Bakantehin na raw ng mga appointees ang kanilang puwesto sa­pag­kat nagpapatuloy sa mga pinamumunuan nilang ahensiya ang corruption. Umaabot sa libong appointees ang nasibak sa bagong direktiba ng Presidente.

Hindi inaasahan ang biglang pagsibak sa mga appointees sapagkat noong maupo si Duterte noong Hunyo 30, sinabi nito na mag-stay muna ang mga appointees hangga’t wala pang kautusang ipinalalabas ang Malacañang. Ngayong na­tuloy ang pagsibak, inaasahang magkakaroon ng pagbabago sa mga tanggapan.

Tama lang na alisin ang mga appointees ng nakaraang administrasyon na sangkot sa korapsiyon. Kung magpapatuloy sila sa puwesto, walang pagbabago. Paikut-ikot lang ang lahat. Umaaligid ang suhulan, kotongan, padulas at iba pang uri ng katiwalian. Dapat mawala ito ayon sa ipinangako ng Duterte administration.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with