^

PSN Opinyon

A Man of Peace

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

SI President Rodrigo Roa Duterte (RRD) ay isang aminadong killer. Ilan na, aniya, ang kanyang napatay na criminal at ilan pa ang hindi magdadalawang isip na patayin sa ngalan ng kanyang mahal na bayan.

Ngayon siya na ang Presidente ng Pilipinas, ang lipunan ay naghanda na sana upang masaksihan ang isang madugo at bayolenteng pakikipaglaban ni RRD sa mga naghahangad na hamakin ito. At sa pagbukas na nga ng kanyang administrasyon ay agad napangatawanan ang kahandaan ng administrasyong Duterte na umpisahan ang lahat ng kampanya kontra kasamaan kahit pa mauwi sa patayan.

Subalit noong Lunes, sa pagharap ni RRD sa Kongreso, lumantad sa bansa ang katotohanan. Duterte is a Man of Peace. Una na ito nahalata nang mabanggit niyang ang ating tagumpay sa West Philippine Sea ay gagamitin sa paraang hindi makokompromiso ang kapa­yapaan ng ating rehiyon. Aakalain ng marami na lalong magpapa­lakas ng loob ng Pilipino ang hatol ng Hague Tribunal upang maghanap ng mas agresibong solusyon sa nagaganap na sindakan. Subalit higit na naniniwala ang Presidente na nasa mapayapang pamamaraan pa rin ang kasagutan sa ating suliranin.

Ang pangalawang pagtutunay ng kanyang ang­king pagmamahal sa kapayaan ay ang deklarasyong unilateral ceasefire laban sa CCP-NPA-NDF. Hindi na nito hinintay ang pangako ng “kaliwa” na pag-sangayon sa tigil putukan. Basta ang sa kanya ay mauna na ang go­vernment forces. Susunod na rin ang kalaban at kiki­la­lanin ang katapatan ng kanyang alok.

Medyo matagal na mula nang makakita tayo ng ganitong uri na commitment na maitigil lang ang alitan sa pagitan ng ating mga kapatid  din na naiba lang ang kultura at paniwala. Anuman ang nauna nang anyo ni RRD na inakala nating mabangis at hindi maintindihan ang pagkatao, ngayon ay buo ang paniwala at panatag ang kalooban ng Pilipino na ang kanilang pinuno ay hindi sila ilalagay sa kapahamakan, bagkus ay laging isasa-alang alang ang kanilang kapakanan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with