^

PSN Opinyon

Kapag lumabag, parusahan

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Ganito ang gustong makita ng mamamayang Pilipino. Isang pampasaherong jeepney na sumasalubong sa trapik para makauna sa lahat ng sasakyan ay napilitang umatras dahil hindi pinagbigyan ng sasakyan na kasalubong niya at nasa tamang lugar. Nakunan ng video ang insidente, at dahil umabot na sa social media, iniimbistigahan na ngayon ng LTFRB. Sana nga ay makansela ang prangkisa ng jeepney at masuspindi ang lisensya ng drayber, para magsilbing leksyon at babala na rin sa mga drayber na walang disiplina sa kalsada, at walang pakialam kung makaaberya sila ng ibang sasakyan basta makalamang lang sila. Sa sama ng trapik ngayon, hindi na dapat pinalalampas ang mga ganyang kilos. At bakit walang traffic enforcer na nakakita sa insidente? Ito rin ang isang dahilan kung bakit may mga pasaway na drayber, kasi alam na wala namang huhuli sa kanila.

Ano naman kaya ang mangyayari kung dalawang pribadong sasakyan ang nagkasalubungan, kung saan arogante ang drayber ng sumasalubong? Umatras din kaya, o magmamatigas? Kung nagmamatigas at magmamatigas rin ang kabilang drayber, siguradong away na. At kahit na gun ban ngayon, hindi malayong armado­ ang isa sa kanila, na tila nagbigay nga ng pahintulot na maging arogante. Sa totoo nga, kahit may gun ban nga­yon, napakarami pang inisdente ng pamamaril sa lansangan. Ito ang dahilan kung bakit dapat mas mara­ming mga traffic enforcer ang dapat nakatalaga sa mga intersection na maraming sasakyan para maiwasan ang mga matitinding away. At hindi dapat nakatayo lamang sa may ilaw, kundi sa lugar kung saan madalas may sumasalubong.   

Kung nakuha ang plaka ng jeepney, dapat agad aksyunan ng LTFRB. Hindi na pwede ang mga de-kahon na pahayag na hindi sinasadya, kesyo ganito kesyo ganun. Kapag lumabag sa batas, parusahan. Lahat na lang hindi sinasadya kahit malinaw na sumasalubong sa trapik. Kahit malinaw na wala sa lugar. At sana naman ang mga traffic enforcers ay hindi rin pinalalampas ang mga sumasalubong, kahit sino pa ang nakasakay, pribado o publikong sasakyan, pati mga motorsiklo. May mga takot rin kasi diyan at baka malaking tao ang sitahin nila. Dapat pare-pareho ang turing sa lahat.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with