^

PSN Opinyon

Mahirap bang mag-ingat?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MAHIRAP bang mag-ingat kapag nagwe-welding? Mahirap bang intindihin na ang mga bagang nagmumula sa pag-welding ay puwedeng pagmulan ng sunog? Nagkasunog na naman sa Valenzuela City noong Biyernes. Isang bodega ng tela ang nasunog matapos matalsikan umano ang mga tela ng baga ng welding na ginagawa sa katabing gusali. Isa ang namatay sa insidente nang atakehin sa puso ang empleyado na palabas na ng nasusunog na bodega. Kawawa naman.

Ito ang pangalawang malaking sunog na naganap sa Valenzuela City kung saan welding ang pinagmulan. Wala bang pagsasanay para sa pag-iingat habang nagwe-welding? Hindi ba sinisiyasat nang mabuti ang kapaligiran kung may puwedeng masunog na bagay kapag matalsikan ng baga? Kahit sino lang ba na marunong magsindi at humawak ng welding ay puwede nang magtrabaho bilang welder? Parang ganito kasi ang nakikita ko. Walang kahit anong pag-iingat na ginagawa. Kaya nauuwi lang sa malalaking sunog, nauuwi lang sa pinsala.

Sinabi ko na noon na hindi talaga kilala ang bansa para sa pag-iingat. Natatandaan ko noon na walang seatbelts ang mga sasakyang nabibili sa merkado. Hindi uso ang safety shoes at safety belts para sa mga trabahador, lalo na sa mga nagtatrabaho sa matataas na gusali. Ilang insidente na ng mga elevator na overloaded ng trabahador ang bumagsak. Hindi rin uso ang proteksyon sa mata para sa mga trabaho na maaaring makabulag. Ang safety helmet ay kailan lamang ginawang requirement para sa mga naka-motorsiklo.

Panahon na para baguhin ito. Ang sunog ay maiiwasan kung maging maingat lamang. Dapat idaan sa mga matitinding seminar ang lahat nang manggagawa, lalo na mga welder at lumalabas na wala talagang alam hinggil sa pag-iingat. Dapat may sertipikasyon mula sa kinauukulang ahensiya ng gobyerno, o pribadong ahensiya na dumaan na sa seminar. Gawing obligado ang pagsuot sa trabaho ng mga kagamitang pangkaligtasan. Mga safety shoes, belt, salamin at helmet. Mas mahal ba ang mag-ingat kaysa sa masunugan? Mas perwisyo ba ang gumamit ng mga kagamitang pangkaligtasan kaysa sa mapahamak?

vuukle comment

ANG

BIYERNES

DAPAT

ILANG

ISA

ISANG

ITO

KAHIT

KAWAWA

MGA

VALENZUELA CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with