^

PSN Opinyon

Balasahan sa gobierno

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

NAGTATALO ang mga barbero at mga customer nito sa isang barberya sa Kyusi ng mag-tsimisan sila kung sino ang makakasama sa balasahan sa gobierno ni P. Noy ngayon 1st quarter ng 2015 dahil may mga ulat na marami ang tired este mali magre-retiro sa mga itinalaga nito sa mga ahensiya ng government of the Philippines my Philippines.

Ayon sa mga usap-usapan, mukhang ililipat si BIR Commissioner Kim Henares sa tronong iiwanan ni COA Commissioner Grace Pulido Tan dahil ang huli ay up to February 2 na lamang sa kanyang puesto.

Sinasabi sa kuentuhan na maaring si BOC Commissioner John Sevilla ang ilalagak este mali ilalagay pala kapalit ni Henares sa Bureau of Internal Revenue.

Ayon sa tsimis sa barberya, isang Atty. Benjamin Caguiao, sinasabing presidential legal adviser sa malakanin este mali Malacanang pala isang Blue Eagle boy at malapit daw kay P. Noy ang ipapalit kay DOJ Secretary Laila de Lima kapag iniupo ito sa COMELEC vice Commission on Election chairman Sixto Brillantes na retirable next Pebrero.

Sabi ng mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, mukhang hindi na tatanggap at malamang hindi na rin bigyan ng puesto sa gobierno si Tan matapos itong matiktikan na lumalayo sa anino ni P. Noy.

Ika nga, kumakabilang bakod?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sabi ng mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, pinag­iisipan ng Malacañang kung sino ang ilalagay para magpatakbo ng Aduana kapag ipinalit si Sevilla kay Henares.

‘Sino ba?’ tanong ng kuwagong tsimoso.

Kamote, iyan ang antayin mo.

Abangan.

Street children itinapon este mali itinago?

NAGING talk of the town at na tsimis pa sa international media ang mga ‘batang kalye,’  na sinasabing itinago sa isang expensive resort sa Nasugbu, Batangas, ng 5 days para dehins ito makita ng Santo Papa ng bumisita at ito umiikot - ikot sa mga kalsada sa Maynila last January 15 to 19.

Ayon sa mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, ilang araw bago dumating sa Philippines my Philippines ang Santo Papa ay binugbog este mali binitbit pala ang mga batang kalye kasama ang kanilang pamilya para doon muna itago este dalhin pala sa Chateau Royale Resort sakay nang mga airconditioned buses.

Naku ha, sarap naman nila.

Sabi nga, nag-piknik? Hehehe!

Ayon sa mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, mukhang sa mga airconditioned rooms pa sila naka-check in hanggang sa pag-alis ni Pope Francis.

Bakit doon?

Sagot - para hindi mapansin ang mga ‘batang hamog?’

‘Nakapag-swimming kaya ang mga ito sa resort na pinuntahan nila ?’ tanong ng kuwagong binola.

‘Siguro iyong iba dahil masiadong malamig noon dahil sa masamang panahon dulot ng bagyong si Amang.’ sagot ng kuwagong naka-bathing suit.

‘P4,100 a night ang renta sa cabin na tinirikan nila.’

Naku ha!

‘Ano ang ginawa nila dito?’ tanong ng kuwagong plastic.

‘Nagmuni-muni, counselling, playing at siempre tungangaan.’ sagot ng kuwagong urot.

“Nasaan na ngayon sila dahil alaws na si Pope Francis sa Philippines my Philippines?’

Sagot - ayon balik kalsada ulit! Hehehe.

Pulis na, pinu-pulis pa

THE other day iyakan blues ang ilang pulis dahil ang pitsang allowance na ipinangako sa kanila ay dehins daw ibinigay ng tama.

Ang salaping pinag-uusapan ay abuloy este mali allowance para sa ginawang maayos at magandang pagbabantay sa pagbisita ni Pope Francis sa Philippines my Philippines last Jan. 15 to 19.

Ayon sa mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, mukhang binukulan pa ang mga pobreng alindahaw ng kanilang mga ‘senior officer’ kaya ito ang pinakakalkal ni OIC CPNP Dindo Espina.

Sabi ng mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga pulis na hindi sumipot sa kanilang mga assignment ay madaling malaman kung naglakwatsa at pagkatapos ay kukunin lamang ang kanilang allowance.

‘Paano?’

Sagot - may engkargadong nagtse-check na kanilang attendance at oras na kanilang duty.

Kamote, korek ka dyan!

Abangan.

vuukle comment

ABANGAN

AYON

NAKU

PHILIPPINES

POPE FRANCIS

SABI

SAGOT

SANTO PAPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with