^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Singilin ang US Navysa Tubbataha damage

Pilipino Star Ngayon

MAGBAYAD ang may pagkakasala. Huwag haya-ang matakasan o makalimutan na lang ang ginawang pagsira o pagwasak. Kung hahayaan ang mga sumira o tumampalasan, maaaring maulit at baka mas malala o malubha pa ang kanilang gawin.

Ganito ang isyu sa USS Guardian, ang mines-   weeper ng US Navy na sumadsad sa Tubbataha Reef noong Enero at nag-iwan nang malaking pinsala. Natapos na noong Sabado ang pag-salvage sa Guardian. Inabot ng dalawang buwan ang ginawang pag-salvage. Ang pagsadsad ay puminsala nang husto sa mga corals na itinuturing na world treasure. Ang Tubbataha Reef ay idineklarang marine sanctuary. Ayon sa report, napinsala ang may 4,000 square meters ng Tubbataha.
Sa estimate, ang halaga ng mga nasira sa reef ay umaabot ng $5 million o katumbas ng P200 million. Ayon sa Tubbataha Reefs Natural Park Act of 2009 ang multa ay $300 o katumbas ng P12,000 bawat metro kuwadrado at karagdagang $300 para sa rehabili-tasyon ng mga nasira sa reefs. Ayon sa report baka mas mahigit pa sa 4,000 squate meters ang napinsala sa reef sapagkat matagal na nabalaho ang Guardian. Sa mahigit 10 linggong pagkakasadsad ay lumilikha ng panibagong pinsala sapagkat gumagalaw ang barko dahil sa malalaking alon sa lugar.

Tanong: May kakayahan kaya ang gobyerno ng Pilipinas na pagbayarin ang US Navy sa ginawang pinsala. Mapipilit kaya ang US Navy na madaliin ang pag-iimbestiga? Ayon sa report, gumagawa ng sariling pag-iimbestiga ang US Navy sa insidente. Ang nakapagtataka lang, sa Japan ginagawa ang pag-iimbestiga sapagkat ang Guardian ay doon daw naka-base nang maganap ang pagsadsad sa Tubattaha. Umano’y nagsalin lamang ng langis sa Subic ang Guardian at nang pabalik na ito, sumadsad sa Tubbataha.

Gawin ng gobyerno ang lahat nang paraan para agarang mapagbayad ang US Navy. Hindi ito simpleng problema na dapat ipagwalambahala. Baka “matakbuhan” na naman ang Pilipinas ay lubha nang kaawa-awa ang bansang ito. Marami nang pangyayari na tumakas ang US Navy gaya ng ginawa nila sa Subic na nag-iwan ng nakamamatay na toxic. Hanggang ngayon nananalaytay pa umano sa dugo ng mga residente roon ang bagsik ng toxic.

 

vuukle comment

ANG TUBBATAHA REEF

AYON

ENERO

GANITO

NANG

PILIPINAS

SUBIC

TUBBATAHA

TUBBATAHA REEF

TUBBATAHA REEFS NATURAL PARK ACT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with