^

Metro

Walden Bello, inaresto!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Walden Bello, inaresto!
Si dating vice presidential candidate Walden Bello na inaresto ng mga tauhan ng QCPD kaugnay sa kasong cyber libel na kinakaharap nito.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Inaresto ng Quezon City Police District (QCPD) kahapon si dating Akbayan Representative Walden Bello, na kumandidato sa vice presidential race noong Mayo.

Batay sa impormasyon na nakarating kay QCPD Director PBGEN Remus Medina, nabatid na may kinalaman ang pag-aresto sa kasong cyber libel na kinakaharap ni Bello.

Sinasabing si Bello ay inaresto sa bisa ng arrest warrant na inisyu  ng korte laban sa kanya kahapon ng hapon.

Ani Medina, inaasahan at alam ni Bello na siya ay aarestuhin. 

Dinala umano si Bello sa tanggapan ng QCPD-Police Station 8.

Matatandaang si Bello ay una nang sinampahan ng cyber libel ng dating Information Office chief ng Davao City na si Jerry Tupas matapos siyang isangkot sa ilegal na droga.

WALDEN BELLO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with