^

Metro

2 estudyante, huli sa halos P400K shabu

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
2 estudyante, huli sa halos P400K shabu
Sa ulat, alas-11:50 ng gabi ng Hul­yo 29 nang maaresto ang dalawa sa Punzalan St. Rd 10, Brgy. New Lower Bicutan,  Taguig City, kung saan narekober ang buy-bust money at nasa 58.6 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng 398,480.
STAR / File

MANILA, Philippines — Dalawang estudyante kabilang ang isang menor de edad ang natimbog ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Taguig City Police Station sa isang buy-bust operation, sa New Lower Bicutan, Taguig City, Biyernes ng gabi.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) Director P/Brig. General Jimili Macaraeg ang babae na itinago sa pangalang “Alma”, 18, habang itinago sa alyas na “JP” ang estudyanteng lalaki.

Sa ulat, alas-11:50 ng gabi ng Hul­yo 29 nang maaresto ang dalawa sa Punzalan St. Rd 10, Brgy. New Lower Bicutan,  Taguig City, kung saan narekober ang buy-bust money at nasa 58.6 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng 398,480.

Nakapiit sa custodial facility ng Taguig Police si Alma habang dinala sa Bahay Pag-asa si JP matapos ipagharap ng reklamong paglabag sa Republic Act 9165 sections 5 at 11 (pushing at possession of illegal drugs).

“Kagabi lang din ay nakahuli tayo ng mga high value individuals na kung saan mahigit ?3.4 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska. Ngayon ay isa na namang magandang accomplishment ang nagawa ng ating mga operatiba. Ibig sabihin lang nito ay mahigpit ang aming kampanya laban sa ilegal na droga, maliit man o malaking halaga, lahat nang sangkot ay hindi makakaligtas sa batas,” ani Macaraeg.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with