^

Metro

Kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, maaaring bumaba sa loob ng 1 hanggang 2 linggo

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, maaaring bumaba sa loob ng 1 hanggang 2 linggo
Patuloy ang pag-arangkada nang pagbibigay ng booster shot ng Pfizer vaccine sa mga 12-17-anyos sa Marikina City. Hindi rin nahinto ang pagtuturok ng primary o ang una at ikalawang dose ng vaccine laban sa COVID-19, kasabay sa pagsasabing muling pagtaas ng reproduction rate o hawaan sa mga lugar sa bansa.
Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Malaki ang posibilidad na bumaba ang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila sa susunod na isa hanggang dalawang linggo.

Ito ang pagtaya ni Dr. Guido David ng OCTA Research Group dahil sa bumabang reproduction number sa ngayon.

Batay sa ulat ng OCTA, pumalo lamang sa 1.5 ang reproduction number ng Covid-19 sa Metro Manila, mas mababa ito sa  8.3 percent positivity rate nitong nagdaang araw at 7.5 percent positivity rate noong  June  29.

Anya  maaari  pang bumaba ang reproduction number sa susunod na mga linggo o  maaaring maging daan ng pagkakaroon ng downward trend sa  reproduction number sa ngayon.

Gayunman sinabi ni David na ito ay  projections niya lamang at maaaring may maganap na pagbabago .

Anya ang bilang  ng COVID-19 cases sa nga­yon ay dulot ng  Omicron subvariants BA.4 at BA.5.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with