^

Metro

5 dayuhan kalaboso sa P3.4 milyong shabu

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Apat na Chinese at isang Taiwanese ang nasakote ng mga awtoridad matapos masamsaman ng mahigit P3-milyon na halaga ng shabu, sa isang buy-bust operation, sa Marina Seaview Pacific Avenue, Barangay Dongalo, Parañaque City.

Sa ulat ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Wilkins Villanueva, kinilala ang mga suspek na sina Stephen George Liu, 76; Julian Wei Tang Yao; Chi Wai Cheung, 56; Qinglong Liu at  isang alyas Lele.

Ayon sa PDEA, isang buwang casing at surveillance muna sa ilegal na operasyon ang pinagtiyagaang gawin ng mga ope­ratiba bago isinagawa ang pag-aresto sa mga suspek.

Nakuha sa mga naarestong dayuhan ang isang (1) asul na kahon na naglalaman ng 500 gramo ng shabu na may halagang P3,450,000;  tatlong  Identification Card;  dalawang  cellphone, pitaka at marked money na ginamit ng poseur buyer.

Ang operasyon ay magkatuwang na isinagawa ng mga ­operatiba sa pangunguna ng PDEA Central Luzon, PDEA-NCR,  PDEA-SES, Parañaque Police at SPD DEU-DID.

Paglabag sa section 5 (sale of dangerous drugs) kaugnay sa Section 26 B (conspiracy to sell drugs) ng Republic Act 9165 ang isasampa laban sa mga naarestong banyaga.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with