^

Metro

2 ‘tulak’ tiklo sa P.1 milyong shabu sa Caloocan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kalaboso ang dalawang hinihinalang mga notoryus na drug pusher matapos ang isinagawang operas­yon ng pulisya kasunod ng pagkakasamsam sa mahigit P.1 milyon halaga ng shabu sa Caloo­can City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Caloocan City Police Chief P/ Col. Samuel Mina Jr., ang mga naarestong suspect na sina Ced Kasan, 41 at Totti Unting, 26, kapwa taga-Taguig City.

Ayon kay Mina, naka-tanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) mula sa isang regular confidential informant hinggil sa talamak na pagtutulak ng droga ng mga suspect kaya isinailalim ang mga ito sa isang linggong surveillance operation.

Nang makumpirma ang ulat ay doon ikinasa ang buy-bust operation laban sa mga suspect sa Torcillo St., sa panulukan ng C3 Road, Brgy. 28 dakong alas-2 ng madaling araw.

Bago ito, nakipag-transaksyon ang isang undercover na parak sa mga suspect ng P7,500 halaga ng droga at nang tanggapin ng mga ito ang marked money mula sa poseur-bu-yer kapalit ng isang medium plastic sachet ng shabu ay agad silang dinakma ng mga operatiba.

Nakumpiska sa mga suspect ang humigi’t kumulang sa 20 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P136,000.00, isang kulay metallic gray na Toyota Vios at drug paraphernalias.

Nahaharap ngayon ang mga suspect sa kasong paglabag sa RA 9165 o Com-prehensive Dangerous Drug Act of 2002.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with