^

Metro

Adjusted work schedule ipatutupad sa Muntinlupa City simula Mayo 2

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Simula sa Huwebes, Mayo 2, pagpapatupad ng adjusted work schedule ang pamahalaang lokal ng Muntinlupa.

Batay sa abiso na inilabas sa Facebook page ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa, magsisimula sa Mayo 2, 2024 ang mula alas 7:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon na oras ng trabaho sa mga tanggapan.

Hindi naman kasama sa nasabing adjusted work schedule ang mga tanggapan na nagbibigay ng frontline services , na batay sa depinisyon ng frontline service sa Civil Service Commission Memorandum Circular No. 12 s. 2008.

 Mag-o-operate naman ng skeletal force, sa pagitan pa rin ng alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon para mabigyan ng pagkakataon ang mga kababayan na makipagtransaksyon sa mga nasabing tanggapan.

Mananatili rin sa iskedyul na alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon ang peace and order offices na Muntinlupa Traffic Management Bureau (MTMB), Public Order and Safety Office (POSO), Civil Security Office (CSO) at mga health centers.

“Hinihingi ko po ang suporta ninyong lahat sa policy na ito. Ito ay para mabawasan ang mga nagko-commute/bumabyahe during rush hour,” ayon kay Mayor Ruffy Biazon.

vuukle comment

WORK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with