^

Metro

Rekomendasyon ng Metro Manila Mayors sa quarantine classifications, inihahanda na

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakatakdang maglabas nang rekomendasyon ang mga alkalde na miyembro ng Metro Manila Council (MMC) para sa magiging ‘quarantine classification’ hanggang sa katapusan na ng Hulyo.

Sinabi ni MMC chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na inaasahan na makabubuo na sila ng rekomendasyon sa kanilang pulong nitong Miyerkules at kanilang ipararating agad sa Inter-Agency Task Force on Emer­ging Infectious Diseases (IATF) sa pamamagitan ni Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) Chairman Benhur Abalos.

Kasalukuyang nasa ‘general community quarantine (GCQ) with some restriction’ ang Metro Manila hanggang ngayong Hulyo 15.

Ngunit nagpahiwatig si Olivarez na sa kabila nang pagbaba ng mga kaso sa maraming lugar, hindi pa rin umano dapat na magkumpiyansa sa COVID-19 na patuloy na nag-iiba-iba ang karakter.

Ayon sa OCTA Research Group, bumaba ng 2% ang mga bagong kaso mula Hulyo 6-12 kumpara sa sinundang linggo.Naitala ang ­‘average daily attack rate (ADAR) sa 4.59 kada 100,000 populas­yon habang ang positivity rate ay nasa 6%.

Ang ‘reproduction number’ naman ay nasa 0.93 na mas mababa sa threshold na 1.0 na indikasyon na may patuloy na transmisyon ng virus.

MMC

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with