^

Metro

Kahit mag-MGCQ, number coding ‘di pa ibabalik-MMDA

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Kahit mag-MGCQ, number coding �di pa ibabalik-MMDA
Sinabi ni MMDA chairman Benhur Abalos na hindi pa nila nakikita ang pangangailangan na ibalik na ang number coding sa mga sasakyan.
Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Mananatili pa ring suspendido ang pagpapatupad ng number coding sa kabila ng plano na paglalagay sa National Capital Region (NCR) sa modified general community quarantine (MGCQ) simula sa Marso.

Sinabi ni MMDA chairman Benhur Abalos na hindi pa nila nakikita ang pangangailangan na ibalik na ang number coding sa mga sasakyan.

Gayunman, posible rin aniya, na baguhin ang plano sakaling bumigat ang trapiko dahil sa pagluwag sa galaw ng mga tao at pangangailangan ng mga sasakyan sa kalye sa Metro Manila.

Kabilang sa paghahanda ng MMDA ang paghi-hire ng mas maraming traffic enforcers sa posibilidad na madagdagan ang mga sasakyan matapos manawagan na rin sa Department of Transportation (DOTr) kung maari nang payagan ang mas maraming public utility vehicles (PUVs) na isa sa napaka-importante para mabuhay ang ekonomiya.

Tiniyak ni Abalos na mag-aabiso na lang sila kung dapat nang ipatupad muli ang number coding.

vuukle comment

MGCQ

MMDA

NCR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with