^

Metro

340K child laborers natulungan ng DOLE

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
340K child laborers natulungan ng DOLE
Iniulat ni Labor Secretary Silvestre Bello III na umabot sa 47,000 batang manggagawa ang naialis nila sa ‘child labor’ habang 293,318 naman ang nabigyan nila ng tulong.
STAR/File

MANILA, Philippines — Aabot sa halos 340 libong mga batang manggagawa ang nasagip o kaya ay natulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ngayong 2020 nang tumaas ang insidente ng child labor dulot ng pandemya.

Iniulat ni Labor Secretary Silvestre Bello III na umabot sa 47,000 batang manggagawa ang naialis nila sa ‘child labor’ habang 293,318 naman ang nabigyan nila ng tulong.

Bukod dito, nasa 274,924 pang child laborers ang kanilang na-profile sa kabila ng mga limitasyon sa paggalaw dulot ng mga lockdown protocols.

“Along with our campaign to protect the vulnerable workers, we also stepped up our efforts to eliminate the worst forms of child labor,” ayon kay Bello.

Sinabi rin niya na pinakaapektado ang mga batang manggagawa ng pandemya dahil sa lalong nalugmok pa sa kahirapan ang kanilang pamilya.

Binuo ng DOLE ang kanilang ‘child labor prevention and elimination program’ na tinawag na Project Angel Tree.  Nagbibigay ito ng serbisyong sosyal sa mga batang manggagawa at kanilang pamilya.

Ang H.E.L.P. M.E. program naman ay nagbibigay ng mga tulong para sa “Health services, Education, Livelihood at Prevention o Protection. Mahigpit ding ipinatutupad ng DOLE ang mga polisiya para sa Child Labor-Free Establishments, Sagip Batang Manggagawa, and Philippine Program against Child Labor.

vuukle comment

CHILD LABOR

DOLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with