^

Metro

20 PUV operators at drivers, tinanggalan ng prangkisa ng LTFRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
20 PUV operators at drivers, tinanggalan ng prangkisa ng LTFRB
Inanunsyo ng transport group na ka­sado na ang isasagawa nilang nationwide transport strike bukas, araw ng Lunes bilang protesta sa pag-phase-out sa mga jeepney at UV Express at iba pang isyu.
Kuha ni Boy Santos

Bago ang welga bukas

MANILA, Philippines — Bago ang ikinasang transport strike ng iba’t-ibang transport groups, tinanggalan na ng prangkisa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang mga Public Utility Vehicle operator at tsuper na lumabag sa LTFRB Memorandum Circular No. 2011-004.

May 20 operators at dri­vers ang kinansela ang kanilang Certificates of Public Convenience matapos mapatunayan ng LTFRB na lumahok ang mga ito sa transport strike noong 2017 na pinangunahan ng grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (Piston).

Ayon kay LTFRB Chairman Martin B. Delgra III, ang pagsali sa tigil-pasada ay tahasang paglabag sa LTFRB Memorandum Circular No. 2011-004, na nagsasaad na ang paglahok sa anumang klaseng protesta na magdudulot ng abala sa mga pasahero ay labag sa prangkisang iginawad ng pamahalaan sa mga operator.

Samantala, inatasan naman ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang LTFRB na siguruhing mananagot ang mga operator na lalahok sa napipintong transport strike na inorganisa ng mga mi­yembro ng PISTON at ng Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) bukas, ika-30 ng Setyembre 2019, bilang pagsalungat sa PUV Modernization Program ng pamahalaan.

Pinasalamatan naman ng DOTr at ng LTFRB ang ilang transport group at cooperative na nagpahayag ng suporta sa programang modernisasyon ng gobyerno, maging ang mga grupong nangakong hindi sila makikilahok sa tigil -pasada sa Lunes.

Sa kabila ng napipintong transport strike bukas, tiniyak ng DOTr at ng LTFRB, sa pakikipagtulungan sa iba pang sangay ng gobyerno kabilang ang MMDA at mga lokal na pamahalaan, na mayroon itong nakaantabay na contingency measures para maibsan ang epekto ng ikinakasang tigil-pasada.

vuukle comment

LTFRB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with