^

Metro

PAGCOR kumilos vs loan sharks group

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kumilos na ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) upang masolusyunan ang pagkaladkad ng ilang grupo sa ahensiya kaugnay sa mga naglalabasang ulat na talamak na ang kidnapping sa mga casino player.

Tinuligsa ng PAGCOR ang mga nasa likod ng pagdukot na grupo umano ng ‘loan sharks’, ang mga financier na namamayagpag sa pagpapautang sa mga casino player na kapag hindi nakapagbayad ay ipadudukot, ang karaniwa’y mga banyagang casino players para ipanghingi ng ransom sa mga kaanak.

Nabatid na nag-organisa ng pulong ang PAGCOR para sa mga lisensyadong  casino operators na isinagawa sa Entertainment City at Clark kasama ang mga kinatawan ng  Philippine National Police (PNP) Anti-Kidnapping Group (AKG)  at  Bureau of Immigration (BI) para pag-usapan ang casino-related kidnappings.

 “PAGCOR and the major players in the local gaming industry denounce these criminal acts and we will not sit idly in the face of these injustices,” ayon sa press statement ng PAGCOR.

 Tiniyak nito na babantayan ang integridad ng gaming at entertainment business sa bansa sa pakikipagtulungan ng mga lehitimong casino operators.

 Plano rin ng PAGCOR na bigyan ng akreditasyon at i-regulate  ang casino financiers sa pamamagitan ng pagsunod sa implementing rules and regulations alinsunod sa itinatakda ng Bangko Sentral ng Pilipinas, Securities at  Exchange Commission at iba pang  regulatory agencies kaugnay sa pagpapatakbo ng  lending companies.

 Naniniwala ang PAGCOR na malaki ang pakinabang ng gobyerno sa gaming sa bansa sa pamamagitan ng iniaakyat na revenue kaya hindi naman dapat itong  gamiting daan para  sa pang-aabuso at kawalan ng katarungan.

Marami nang napaulat na ilang grupo kabilang ang ilang Chinese nationals ang nagpapadukot diumano sa casino players na kanilang kababayan at nanghihingi ng ransom na kasing halaga ng nautang at interes na nakuha sa kanila.

vuukle comment

PAGCOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with