^

Metro

Parak itinumba sa burol

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang aktibong pulis ang nasawi makaraang barilin sa ulo ng isang hindi nakilalang salarin sa isang lamayan sa Taguig City, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang nasawi na si P/Patrolman Ralph Aquino, 31,  nakatalaga sa Police Community Precinct 8 ng Taguig City Police at nakatira sa Laura Drive, Ronggavilla Village, Brgy. Bagumbayan, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Taguig City Police, alas-10 ng gabi nang maganap ang krimen sa may Paso Street, Old Cemetery, Brgy. Bagumbayan, ng naturang lungsod.

Nabatid na sinundo ng kanyang kaibigan na si alyas Toto ang biktima at sabay na nagtungo sa naturang lamay.
Habang nakaupo ang biktima, lumapit sa kanyang likuran ang suspek at walang sabi-sabing binaril ito sa ulo na dahilan ng agad niyang kamatayan. 

Agad namang tumakas ang salarin dala ang armas na ginamit sa krimen.

Isang masusing imbestigasyon na ngayon ang ikinasa ng pulisya para makilala ang gunman at mabatid ang motibo sa pamamaslang.

vuukle comment

BUROL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with