Tricycle vs bus: 1 todas
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - August 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang tricycle driver habang sugatan ang kanyang lolang pasahero makaraang mabundol ng isang pampasaherong bus sa isang interseksyon sa Caloocan City, kamakalawa ng umaga.

Nakilala ang nasawi na si Dante Ignacio, ng A Bonifacio, Balintawak, Quezon City habang ang kanyang sugatang pasahero ay nakilalang si Floredelisa Bintad, 64 .

Tumakas naman ang suspek na si Jonathan Boque, driver  ng Daewoo Bus na nakarehistro sa Raven Bus Transport.

Sa ulat, naganap ang banggaan sa may kanto ng 10th Ave­nue at B. Serrano Street sa Brgy. 91, sa nabanggit na lungsod.  Nabatid na binabagtas ng tricycle ang 10th Avenue patungo sa direksyon ng Rizal Avenue Extension habang dumadaan naman sa B. Serrano Avenue patungo sa EDSA ang bus.

Nang dumating sa interseksyon, wala sinuman sa dalawang sasakyan ang nagmenor dahilan para mabundol ng bus ang tricycle. Dito nakaladkad ang tricycle ng ilang metro at naipit sa pagitan ng bus ang tsuper na si Ignacio habang agad namang nailabas sa tricycle ang pasaherong si Bintad.

Kapwa isinugod ang dalawa sa Manila Central University Hospital ngunit nalagutan ng buhay si Ignacio habang nasa ligtas na kundisyon si Bintad.

Nahaharap ngayon sa kasong Reckless Imprudence Resul­ting in Homicide, Physical Injuries at Damage to Property ang tumakas na si Boque sa korte.

TODAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with