Bagong laya inutas
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - August 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi pa natatagalan buhat nang mapalaya sa bilangguan, isang dating inmate ng Mandaluyong City Jail ang tinodas nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Nakilala ang nasawi na si Fernando Ibanez, 57-anyos, nakatira sa Twin Pioneer St., Extension, Brgy. 189, Zone 20 ng nabanggit na lungsod.

Sa ulat ng Pasay City Police, dakong alas-11:45 kama­kalawa ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Guiho St., Brgy.  145, Zone 16, sa naturang lungsod.  Nakarinig na lamang ng sunud-sunod na putok ng baril ng mga residente at iniulat sa pulisya.

Nang respondehan ng mga pulis ay dito na nila natagpuan ang nakahandusay na duguang biktima na tadtad ng tama ng bala sa ulo at sa katawan at wala nang buhay.

Base sa rekord, kalalaya lamang ng biktima sa pagkakakulong nito sa Mandaluyong City Jail nitong nakaraang buwan dahil sa umanoy sa kaso sa iligal na droga. Tinututukan ngayon ng mga imbestigador na may kaugnayan sa onsehan sa droga ang dahilan ng pamamaslang.

INUTAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with