^

Metro

‘Tulak’ sugatan sa drug ops

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang drug suspect ang nasa kritikal na kondisyon matapos nitong tangkaing mang-agaw ng baril sa mga pulis na tumutugis sa kanya kahapon sa Pasay City.

Inaalam pa ng pulisya ang pangalan ng suspect, na ginagamot sa Pasay City General Hospital (PCGH) sanhi ng  tama ng bala sa dibdib buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Lumalabas sa report na natanggap ng hepe ng Pasay City Police na si Sr. Supt. Noel Flores,  naganap ang insidente alas-11:00 ng umaga sa Orion St.,  Brgy. 67 ng nabanggit na lungsod.

Una nang nakatanggap ng report ang mga pulis hinggil sa umano’y pagbebenta ng droga ng suspect, dahilan upang magkasa ito ng follow-up operation.

Nang matunugan ng suspect ang mga pulis ay pumasok ito sa kanyang barung-barong at tinangka nitong agawin ang baril ng isa sa mga operatiba  hanggang sa nagpambuno.

Dito, na pinutukan ng mga pulis ang suspect hanggang sa tamaan ito kung saan nasa kritikal itong kondisyon sa pagamutan.

vuukle comment

DRUG WAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with