^

Metro

Taiwanese dinukot, ikinulong ng amo sa online gambling

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasagip ng mga tauhan ng pulisya ang isang call center agent na Taiwanese  na dinukot at  ikinulong sa pi­nagtatrabahuhan nitong online gambling company  habang 11 pang Chinese  ang iniimbestigahan kung kasa-ma rin sa mga ikinulong ng kanilang amo, kamakalawa sa Makati City.

Kinilala ang nasagip na si Neng Neng Tseng, 32, ng One Pacific Place, H.V. Dela Costa St., Brgy. Bel-Air ng naturang siyudad.

Samantala, ang 11 Chinese nationals na pawang empleyado rin sa naturang online gambling ay nasa custody ngayon ng Makati City Police upang imbestigahan kung maging sila ay  ikinulong.

Nauna rito, nakatanggap  ng reklamo ang tanggapan ni Police Sr. Supt. Benjamin Acorda Jr., hepe ng  Directorate of Intelligence, National Capital Regional Police Office (NCRPO)  mula sa Taiwan Embassy sa pamamagitan ni Jerry Wang, na isa nilang kababayan ang dinukot at ikinulong umano sa Van Gogh Business Process Outsourcing Incorporated na may  business address na 14th floor, 2251 Wilcon IT Hub, Chino Roces Avenue, Brgy. Bangkal, Makati City.

Alas-3:00 ng madaling araw nang magsagawa ng follow-up operation ang pulisya. Dito ay positibo nilang na­abutan ang biktimang si Tseng at ang 11 pang Chinese nationals na nakapiit    sa naturang tanggapan.

Kaagad na ni-rescue ng mga pulis ang mga biktima at sa pahayag ni Tseng sa mga pulis, ikinulong siya dahil nagkamali lamang siya sa kanyang trabaho.

Para makalaya ay pinagbabayad siya ng halagang  P560,000. Umupa pa aniya ng dalawang guwardya  ang kanyang boss para bantayan siya at hindi makawala.

Patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya ang naturang insidente.    

vuukle comment

ONLINE GAMBLING

TAIWANESE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with