^

Metro

2 dawit sa droga, patay sa boga

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang ka-lalakihan na sinasabing kap­wa sangkot sa droga sa mag­ka­hiwalay na pamamaril sa Taguig City, kamakalawa.

Nasawi sanhi ng tinamong ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril, dead-on-the spot ang mga biktimang sina Michael Mesa, 24 at Brianson B. Esgra.

Blanko pa ang pulisya sa pagkakakilanlan ng mga suspect at nagsasagawa pa ng follow-up investigation ang pulisya hinggil sa insidente.

Sa report na natanggap ng Southern Police District (SPD), ala-1:55 ng hapon nang pagbabarilin ng hindi kilalang suspect ang biktimang si Mesa sa Viscara St., Brgy. New Lower Bicutan, Taguig City.

Sa record ng pulisya, minsan na aniyang nailagak sa drug rehabilitation center si Mesa.

Samantalang alas-8:45 naman ng gabi nang pagbabarilin si Esgra sa Block 15, Lot 1, Herbs Extension, Brgy. New Lower Bicutan ng naturang siyudad ng hindi pa nakikilalang suspect, na nagresulta rin ng agarang kamatayan nito.

Sa rekord ng Taguig City Police, nasangkot umano sa transaksiyon ng droga si Esgra.

Sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ng Taguig City Police ang naturang insidente.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with